✨️ACEL FARIS POV✨️ IT HAS been one week, and yes, nandito pa rin kami sa rest house ko dito sa baguio. At wala akong balak na iuwi si kalea hanggat hindi natatapos ang isang buwan. Iyon ang usapan namin, na kapag natapos ang isang buwan at hindi pa din niya ako gusto ay pakakawalan ko s'ya. But of course, hindi ako 'yung tao na madaling sumuko kaya naman kahit na may usapan kami ay hindi pa rin 'yon ang masusunod. Yes, iuuwi ko s'ya after one month, but it doesn't mean na susukuan ko na s'ya at lalayuan. I will still pursue her, malay natin diba? Anything is possible. Nakaya ko ngang mag-hintay ng eight years, ngayon pa kaya? Napatingin ako sa laptop na hawak ko ng bigla nalang itong tumunog. Gabi na dito at natutulog na ang lovey ko kaya naman naisipan ko na buksan ang laptop t

