✨️ACEL FARIS POV✨️ NANDITO kami ngayon sa mall. And yes, nandito pa din ako kasama niya dahil hindi ko s'ya tinigilan hanggat hindi niya ako isinasama. At ngayon nga nandito ako kasama niya habang tulak-tulak ang sarili niyang cart na dinala niya kanina. May bibilhin daw kasi s'ya na gamit niya. "Since nandito ka nalang din naman, ikaw na ang kumuha ng mga needs ko." Saad niya habang may naglalarong ngiti sa mga labi niya. "Are you willing to do everything?" "Kahit ano pa yan, basta para sayo cutie-love," Sagot ko na ikina-taas ng kilay niya. "Tingnan natin," Saad niya at nauna ng maglakad. Pumasok kami sa Watson store. Naglibot-libot kami hanggang sa may ibigay s'yang maliit na papel sakin. "What's this?" "Tingnan mo, para malaman mo." Saad niya habang naka taas ang kilay.

