✨️ACEL FARIS POV✨️ PAUWI na ako ngayon sa bahay. Kakatapos lang ng meeting ko sa isang client sa bagong project na gagawin ko. Actually kakilala ko ang client ko kanina. Isa s'yang anak ng mayor at gustong magpa-tayo ng mansyon para sa asawa nito at sa mga anak niya. Kompanya ko ang tinawagan niya para makausap ako tungkol dito. And of course, bago ako mag yes, ay pina imbistigahan ko muna si mayor. Kasi diba, baka mamaya ang binabayad niya pala sa mga tauhan ko at sa akin ay galing sa........Alam niyo na, uso pa naman ngayon ang mga manggagantso. Na 'yung dapat itulong sa mga tao ay kinikimkim. Kaya ayun pina imbestigahan ko and I found out na malinis naman ang lahat. May sarili na akong kompanya after three years. Actually hindi na naman kailangan pa to build my own company

