CHAPTER 1

827 Words
✨ACEL FARIS POV✨ NAKATINGIN lang ako sa new student na kakapasok lang pagkatapos mag sungit sa'kin. She's cute. At hindi ako makapaniwala na hindi manlang tumalab ang pagpapansin ko sa kanya. Kanina ko pa siya tinitignan since she enter our classroom. Pero iwan ko ba kung nakahalata siya o sadyang hindi lang talaga interesado. At Kahit na nag susungit siya ang ganda at ang cute pa din niya. I think crush ko na s'ya. Even if she's just wearing a simple shirt and baggy pants, hindi pa rin nun nabawasan ang ganda niya. She has beautiful figure, her black shinny hair, rosy cheeks, round eyes, pointed nose, and her glossy lips. Iwan ko pero parang natural lang lahat yun sa kanya. Wala nga yata syang make-up eh. Pumasok ako sa loob ng classroom namin. I made sure na mapapansin niya ako kaya naman sa harapan niya ako dumaan. Wala pa ang teacher namin kaya naman malaya kaming makapag ingay. Kung iniisip niyo na hindi maingay at walang sira-ulo dito dahil private school ito, well, nagkakamali kayo, Dahil kung gaano ka ingay ang public schools ganun din kami. "Hi, I'm acel, and you are?" Pagpapakilala ko. She just looked at me at tinarayan na naman ako. "I know your name na pala." Saad ko. "You are KALEA SARAFINA MONTENEGRO right?" Pagpapatuloy ko. Pero di man lang ako tinapunan ng tingin. "Ang sungit...buti nalang maganda at cute ka." Bulong ko pero narinig niya pala dahil bigla siyang bumaling sa gawi ko na naka kunot ang noo. Bakit kaya ang ganda niya? marami namang mga babae dito na magaganda din pero ni minsan hindi natuon ang atensyon ko sa mga yun. Minsan nga may nagpapapansin pa. Pero ni minsan hindi nila nakuha atensyon ko. Pero itong si KALEA, the moment she entered the classroom kanina parang tumigil bigla ang mundo, at kumalabog ng mabilis ang puso ko. teka, di kaya may gayuma siyang dala-dala or anting-anting na kapag tiningnan siya ay magkakagusto sa kanya? Pero imposible naman dahil hindi lang naman ako ang nakatingin sa kanya kanina. Halos lahat ng mga student naka tingin sa kanya. "Here." Nabaling ang atensyon ko kay luc, One of my friends at isang babaero. Inabutan niya ako ng panyo. "What am I gonna do with that?" Kunot noo na tanung ko. "Tumutulo na kasi laway mo." Saad niya sabay hagalpak ng tawa. "Ogags ka talaga!" Saad ko sabay batok sa ulo niya. Saka ko lang binaling ang atensyon ko sa harapan ng dumating na ang teacher. At ang malala pa, hindi din naman pala siya mag di-discuss. Akalain mo yun, nasa college na kami pero yung time namin parang pang highschool pa din. Tapos teacher namin pabago-bago pa ang isip. At dahil wala naman na kaming next subject, sabay-sabay at nag uunahan ang ibang student na maka labas. Hay nako. Sayang at uwian na. Gusto ko pa naman sanang pagmasdan ang mukha ni KALEA. "Uuwi ka na?" Tanong ko kay KALEA. "Ano sa tingin mo?" Pagsusungit na naman nito. "Pw'de kitang ihatid, if you want." Try lang kung maka lusot. Gusto ko pa kasing makita ang mukha niya. "No thanks, kaya ko naman umuwi mag isa." Sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakasunod lang ako sa kanya ng biglang may humarang at kumapit sa braso ko. "What are you doing?" Saad ko kay Janine, sabay kalas ng braso niyang naka pumulupot sa braso ko. "Bakit mo sinusundan yang cheap na babaeng yan?" Halata sa tono nito ang pagkairita habang naka tingin sa unahan. Teka lang, paano niya nasabi na cheap si KALEA? E kung tutuusin mas maganda pa si KALEA at desente manuot kisa sa kanya. At ano bang pakialaman niya kung sinusundan ko si KALEA. Hindi ko naman s'ya girlfriend or friend para mag tanong. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko s'ya kaano-ano at hindi s'ya importante sa buhay ko para bigyan ng atensiyon. Naabutan ko si KALEA sa may gate ng school. Baka may inaantay siya. Baka sasakyan? Ako naman naka destansya lang. Mamaya na ako uuwi kapag nakita ko siyang safe na sumakay. Ang akala ko ay nag hihintay s'ya ng sundo o kung ano. Pero namangha ako ng sumakay s'ya sa tricycle na dumaan. Bakit kaya siya nag tricycle lang? Wala ba silang sasakyan? Agad-agad kung kinuha ang susi ng saksakyan ko para sundan si KALEA. Pero pasakay palang ako ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at che-neck kung sino ang nag message. "Great!" Napabuntong hininga nalang ako ng makita ang message ni mom. Gusto niya akung umuwi ng maaga dahil may ipapakilala daw si max na kapatid ko. Dapat ba pag may ipakilala nandun ako? Wala akung nagawa kundi ang mag drive pauwi. Dahil alam kung magtatampo na naman si mom pag hindi ako sumunod sa kanya. "See you tomorrow nalang, cutie love." Saad ko sa hangin. Pagkatapos, pinaandar ko na ang sasakyan para maka uwi. ##########
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD