"Vea! Hindi ka ba na wiwirduhan sa kasama natin na Isa." Bulong ni Amara sa akin. "Bakit?" Tanong ko dito kahit alam ko na ang ibig sabihin nito. "Kanina Nakita ko yung laman ng garapon niya puro insekto. Yun pala ang kinakain niya." Bulong nito sa akin. "Ano ka ba hindi lang kinakain niya. Nakita ko kanina sa bangka. Pinagagapang niya sa balat niya Yung alupihan tapos bigla na lang itong nawala." Bulong naman ni Berto na nasa tabi narin namin. Napatingin kami ni Azreil sa babae na sinasabi nila. Nakapikit na ito habang nakasandal sa puno. "Ganyang talaga silang mga taga Bering. Insekto talaga ang kinakain nila." Sabi ni Biboy. Napatingin kami sa kanya. "Ano Bering?" Tanong ni Pekto. "Oo, Isa sila sa mga lahi ng mga wich." Sabi ni Biboy. Napatango ako. Nilibot ko ang paningin ko sa m

