Kaya nagpahinga muna kami.
"Ilang oras ba ito bago tayo makarating sa kabila?" Tanong ko Kay Jepoy.
"Bago sumapit ang Umaga nasa lugar na tayo ng mga Gargoyles." Sabi ni Jepoy. Napatango ako.
"Magmula sa lugar ng Gargoyles ilang oras naman bago tayo makarating dito sa lugar ng mga Royal?" Tanong naman ni Pekto.
"Isang bundok pa ang aakyatin natin pagbaba natin lugar na ng mga Royalty." Sabi naman ni Biboy.
"Aakytat uli tayo ng bundok?" Tanong ni Amara.
"Oo pero hindi na ganito ka tarik. Mas madali siyang akyatin kesa dito." Sabi ni Jepoy nakahinga ang tatlong Kasama ko. Nagsiinom kami ng tubig. Maya maya nagumpisa na uli kaming umakyat. Saktong tanghaling tapat ng marating namin ang tuktok. Nagkulitan muna ang mga kasama namin bago kami nagsikain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng makarinig ako ng kakaibang ingay. Napatingin ako sa kanila. Natahimik sila.
"Serpintina!" Sabi ni Jepoy. Sabay tayo nito nilabas agad ang pana niya. Naging alerto kami sa paligid. Nilabas namin ang mga patalim na baon namin. Akala ko Isang ahas ito. Nagulat kami ng biglang bumungad sa harap namin ang isang malaking alakdan.
"Oh my god! Halimaw pala yang serpintina na sinasabi mo. Hindi ito ang kailangan diyan." Sabi ni Pekto sabay hagis sa balisong niya aaka nilabas ang ispada niya na nagliliyab. Lumikha ng liwanag ang mga sandata namin. Natakot ito agad na umalis ito. Nakahinga kami ng maluwag.
"Bilisan natin dahil tatawag yun ng mga kasama." Sabi ni Biboy. Kaya nagmadali kaming kumain.
At nagsimula na kaming bumaba. Nakakalahati na kami ng magsimulang dumilim. Kaya nagpahinga muna kami.Dahil dilikado na kung magpapatuloy pa kami. Gumawa ng apoy sila Pekto sila Biboy ang naghanap ng mga tuyong kahoy.
Nakakaidlip na ako ng makarinig ako ng ingay. Napadilat ako. Pagtingin ko nakaupo lang si Azreil habang nakapikit. Dumilat din ito nagkatitigan kami. Sabay namin ginising ang mga kasama namin. Saktong nagigising ang mga ito ng maglabasan ang mga Serpintina sa paligid namin. Sabay sabay namin nilabas ang mga sandata namin. Nag ingay ang Isa. Sa tingin ko siya Ang leader ng mga ito.
"Dito pala kayo kinuha ng mga Monghe." Bulong ko. Nilusob kami ng mga ito. Pinagisa ko ang sandata ko. Sa tuwing sisipitin ako nito sinsangga ko ng sandata ko sabay tusok sa kanya. Tutusukin naman ako ng buntot niya. Pero nailagan ko ito. Nakakita ako ng aakyatan ko umakyat ako sa malaking bato sabay talon sa likod ng Alakdan sabay tusok ng sandata ko dito. Humiyaw ito. Tutusukin sana ako nito ng buntot niya ng may tumira dito. Naputol ito. Napatingin ako kung sino ang tumira dito. Nakita ko si Azreil na nasa likod ng Isang alakdan. May liwanag na lumalabas sa kamay niya at tinitira niya ang mga alakdan. Napatanga ako sa kanya.
"Tama ako hindi nga siya pangkaraniwan na tao." Bulong ko. Ng may nagingay sa tabi ko. Nakadapa na Ang alakdan na sinasakyan ko. Patay na ito. Mabilis akong umilag sabay padulas sa ilalim ng Alakdan Saka tinusok ito. Humiyaw ito maya maya bumagsak ito. Puro kami dugo ng Alakdan ng matapos naming patayin ang mga ito. Akala namin tapos na pero hindi nagtagal nakakarinig na naman kami ng malakas na ingay sa paligid. Pagtingin namin napapalibutan na kami ng mas marami pang alakdan. Aktong susugurin uli kami ng mga ito ng magliwanag ang paligid namin. Nagtakbuhan ang mga ito. Paglingon ko may hawak si Azreil na sandata nakakasilaw ang liwanag nito.
"Sa tingin ko kailangan na natin makababa agad ng bundok hindi nila tayo titigilan." Sabi ko. Nagsipag sangayon sila sa akin. Nagumpisa kaming bumaba nauuna ako Kay Azreil nasa hulihan na naman siya. Pagtapak ko sa Isang bato nadulas ang paa ko. Pero bago pa ako makabitaw may humawak sa kamay ko. Napatingala ako Nakita ko si Azreil. Nagkatitigan kami Nakita ko na nagbago ang kulay ng mata niya pero saglit lang bumalik agad sa dati. Inalalayan niya ako na makatapak sa tinatapakan niya. Kaya halos nagkadikit kami. Ang lakas ng kabog ng dib dib ko.
"Ahhm.. Salamat." Sabi ko na lang Saka yumuko. Ewan ko ba hindi pa ako nailang kahit kanino. Pero ngayon pakiramdam ko ilang na ilang ako.
"Ayos lang magiingat ka." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang kasi siya narinig na nagsalita.
"Marunong din pala siyang magsalita." Bulong ko. Saka nagsimula na uling bumaba. Nauna na siya sa akin naiilang ako sa tuwing alalayan niya ako. Hindi ako sanay na may nakaalalay sa akin. Pero Hindi na lang ako umimik. Hindi oras ngayon para maginarte.Kailangan namin makababa agad dahil nakasunod sa amin ang maraming alakdan. Naririnig namin ang ingay nila. Hindi lang sila makalapit dahil sa liwanag na nanggagaling sa sandata ni Azreil. Bago nga lumabas ang asul na liwanag sa langit nasa baba na kami.
May sumalubong sa amin na mga nilalang kinausap ito ni Jepoy. Sabi ni Biboy mga Gargoyles daw ang mga ito mga kalahi ni Jepoy. Maya maya tinawag niya kami. Pinakilala niya kami Isa Isa. Yumukod kami sa kanila. Niyaya nila kami sa tribo nila. Pero tumanggi kami dahil kailangan namin makarating sa Academy bago mawala ang asul na liwanag sa langit bukas ng umaga. Kaya nagpaalam din kami agad sa kanila. Umakyat uli kami ng bundok. Isa itong Virgin forest. Binigyan nila kami ng mga sulo. Masukal naman ito. Nauuna parin sila Jepoy at Biboy sa amin. Saktong magdidilim ng makarating kami sa tutol nito.
"Kailngan natin umakyat sa mga puno dahil dilikado dito sa ibaba pag dumilim." Sabi nila Jepoy kaya nagakyatan kami ng puno. Nasa mga sanga kami ng puno. Magkatabi ang sanga na kinauupuan namin ni Azreil.
"Pwede na siguro tayo dito magpahinga."
Sabi ko sa kanila.
"Hindi ka ba nagugutom Vea kagabi pa tayo walang Kain." Sabi ni Amara na nasa tabi ko.
"Tiisin mo muna yan baka bukas sa babaan natin bayan na yun may mabibilihan na tayo ng pagkain." Sabi ko dito. Tumango siya Saka sumandal sa akin. Pumikit narin ako. Nagulat ako ng may kumalabit sa akin. Pagdilat ko nakita ko si Azreil na may hawak na saging at papaya. Inaabot niya sa akin.