Chapter 8

1073 Words
"Ako si Jepoy siya si Biboy mga gala lang kami dito." Sagot naman ng isa. Napakunot ang noo ko sa kanila. "Anong lahi meron kayo?" Tanong ko uli sa kanila. " Kami? Ang totoo niyan hindi namin alam bata pa lang kami ng iwan kami ng mga magulang namin dito sa lugar na ito. Magmula noon naging gala na kami dito." Sabi ng isa napakunot ang noo ko. Tinitigan ko sila ng maigi kung nagsasabi ba sila ng totoo. Nararamdaman ko ang puso nila kalmante lang ito. Ibig sabihin nagsasabi sila ng totoo. Kaya nilabas ko uli ang bato pero hindi na ito nagliliwanag. Naglakad na kami nakakalahati pa lang kami ng lakad ng magsalita ang isa. "Kumain muna tayo kanina pa tayo naglalakad." Sabi ng isa. Napakunot ang noo ko. "Kain?" Tanong ko sa kanila. "Kain, Cha cha, Lamon." Sabi ni Biboy habang sinusubo ang kamay niya. Napatango ako. "May pera ka ba?" Tanong naman ni Jepoy. Napakunot na naman ang noo ko. "Pera, Money, salapi." Sabi naman ni Biboy napakunot ang noo ko. Maya maya hinila nila ako. "Kagaya niyan o."Sabi ni Jepoy sabay turo sa babae na nagaabot ng papel sa mama. Napatango ako. " Pera pala ang tawag diyan. Lagi ko yang nakikita na pinampapalit ng kahit anong bagay dito sa lupa." Bulong ko ng maalala ang mga nakita ko na ginagawa dito sa lupa noong pinapanood ko pa sila sa crystal. Nagcompas ako ng nagkaroon ng pera ang kamay ko. Binigay ko sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila ng makita ang binibigay ko sa kanila. "O kumain na kayo." Sabi ko sa kanila. Ng aktong maglalakad na ako hinawakan nila ang kamay ko. Napalingon ako sa kanila. "Saan ka pupunta kakain ka din. Alam namin na gutom ka na din dahil hapon na wala pa tayong kain. Halika sumama ka sa amin kakain tayo." Sabi nila. Magsasalita sana ako kaso kumalam ang tiyan ko nagulat ako. Naalala ko ang sabi nga pala nila magiging kagaya ako ng mga nilalang dito. Kaya napilitan ako na sumama sa kanila. Pumasok kami sa isang malaking bahay. Marami ditong mga nilalang na nagsisikain at may iniinom pa sila.Naupo kami sa isang upuan. May lumapit sa amin na matandang lalake. Nagusap sila ng mga kasama ko sandali at umalis na ito. Maya maya may dumating na babaeng may dala dalang tray. May laman itong umuusok na pagkain nilapag niya ito sa harap namin. Napatanga ako sa pagkain na nasa harap namin. "Kain na masarap yan. Subukan mo." Sabi nila sa akin at binigyan nila ako ng kutsara. Tiningnan ko sila. Ginaya ko ang ginagawa nila ng matikman ko ang pagkain nagustuhan ko ang lasa nito. Kaya kumain na ako napangiti sila. Sinalinan nila ako ng alak sa baso. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng uminit ang bato. Kaya inilabas ko ito tatayo na sana ako. Ng may pumasok na apat na tao. Nagulat ako ng makita ang nasa unahan nila.Siya ang binibini na nakita ko ng minsang nakarating ako dito sa lupa. Wala sa sarilii na Pinagmasdan ko sila. Naupo sila sa isang sulok. "Mga dayuhan din sila kagaya mo. Ngayon lang din namin sila nakita dito."Sabi ni Biboy. Nakita ko na kinausap din nila ang matanda na kinausap ng mga kasama ko. Maya maya may dinala na pagkain sa kanila. Lihim ko siyang pinagmamasdan. "Mukhang wala din silang alam sa lugar na ito." Sabi ni Jepoy na pinagmamasdan din sila. "Kung ganun dilikado sila. Bakit sila pumasok sa lugar na ito ng wala man lang silang kasama na tagarito." Sabi naman ni Biboy. Napatingin ako sa dalawa. Ng tumayo na ang apat tumayo narin ako. Lihim kong sinusundan ang mga ito. "Master, sinusundan ba natin sila? Kilala mo ba sila?" Sunod sunod na tanong ni Jepoy. "Hindi" Sagot ko sa kanila "Kung ganun bakit natin sila sinusuundan?" Tanong naman ni Biboy. "Sabi niyo wala silang alam dito at dayuham lang sila. Kung ganun nanganganib sila." Sabi ko. "Saka nararamdaman ko na nasa paligid lang ang may ari ng bato." Hindi ko mailabas ang bato nasa gitna kami ng mga nilalang baka nandito ang mga Lorcan makilala nila ang bato." Nakita ko na pumasok sila sa isang bahay. "Anong klaseng lugar ito?" Tanong ko sa dalawa. "Bahay aliwan ito master." Sabi ni Jepoy. Napakunot ang noo ko kaya pinaliwanag nila sa akin kung anong ibigsabihin nun. Napatango ako. Pumasok na kami sa loob. Nakipag usap si Jepoy sa babae na lumapit sa amin. Binigyan kami ng isang silid. Naupo ako pagkapasok namin. Nilabas ko ang bato nakita ko na nagliliwanag ito. "Narito din angg may ari ng bato." Bulong ko sa isip ko. Naginuman ang mga kasama ko. Maya maya lasing na ang mga ito. Nilabas ko ang bato lumabas ako ng silid namin sinundan ko ang bato. kaso nasa kalahati palang ako ng maramdaman ko ang kalaban. Agad kong itinago ang bato. Maya maya nakita ko ng maghiyawan ang mga nilalang paglingon ko nakita ko ang mga lorcan. "Bakit nandito sila. Nalaman din ba nila nandito ang mayari ng bato." Bulong ko. Ng makita nila ako nagulat sila. Agad na nagsipaglaho. Nagulat ako. "kilala nila ako." Bulong ko at napailing na bumalik sa silid namin nakita ko na tulog na tulog ang dalawa na kasama ko. Bumalik ako sa pagkakaupo. Pinagala ko na lang ang aura ko hinanap ko kung saang silid naroon siya. ***ALVEA POV#*** Nagaagaw antok na ako. Hindi ko maintindihan parang may nararamdaman akong hndi ko maintindihan kanina pa yan mula ng kumain kami kanina.Parang may nagmamasid sa akin. Hinayaan ko na lang. Kinabukasan tinanghali ako ng gising. palibhasa matagal ako bago nakatulog kagabi. Lumabas na kami sa bahay aliwan pumasok kami sa isang kainan. "Malapit na nama ang eklipse. Dlikado na naman ang gumala gala ang mga mahihinang nilalang." Sabi ng isang lalake. Humarap dito si Pekto nakipag kwentuhan sa kanila. "Eklipse ibigsabihin puro kadiliman na naman.Hindi na naman magkakaroon ng umaga." Sabi ng matanda. "Ganun dito pagsumasapit ang buwan na ito. Kaya nga tinawag ito na Dark Contenent. Kaya magiingat kayo iho. Mas makakabuti sa mga kagaya niyo na dayuhan na buumalik na kung saan man kayo naroon." Sabi ng matanda na isa. " Hindi niyo kabisado ang lugar na ito. tuwing sumasapit ang eklipse nagiging dilikado ang lugar na ito. Kaya makakabuti sa inyo na ngayon pa lang bumalik na kayo sa lugar niyo." sabi uli ng isa. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD