Lumipas ang mahigit dalawang linggong pananatili ni Ava sa bagong bahay ni Killian. Maayos naman ang naging lagay niya roon dahil mas safe siya dahil sa higpit ng security. Paminsan-minsan ay dumadalaw doon si Eury para magkasama sila nitong mag-review. Si Killian naman, as usual, palagi nang busy sa trabaho. Nagkikita na lang sila nito tuwing gabi. Tuwing sabado naman ay nakakulong lang ito sa loob ng opisina nito at nagre-review ng mga kaso. Tuwing linggo naman sila nagkakaroon ng pagkakataon para makapag-date o kaya ay magluto na lang sa bahay at mag-movie marathon. Naramdaman niya ang marahang paghalik ni Killian sa balikat niya habang nakasalampak sila ng upo sa malawak nitong sala. Mas komportable kasi siya na sa sahig nakaupo tuwing nag-aaral siya. Bumili na lang siya ng laptop ta

