CHAPTER 73

1173 Words

Sinalubong sila ng mag-asawang may-ari ng resort na saka lang niya nalaman na kababata pala ni Killian. Nakahanda na ang villa na tutuluyan nila kasama ang kambal. Humawak sa kamay niya si Avery at si Kian naman sa kamay ng ama nito. Pamilyar na sa kaniya ang ilan sa mga staffs doon na hindi pa rin napapalitan mula nang huli siyang manggaling doon. Ang iba ay bumabati pa kapag nakakasalubong siya. “I love this island. Mukhang makakapag-relax tayo nang mabuti dito,” ani Amanda na first time pa lang makapunta roon. Hindi naman talaga maitatanggi ang ganda ng buong lugar. Naririnig din niya ang mga bumabati kay Liam doon. “Welcome back po sa Isla Mambacita, Ma’am Avery!” Dumako ang tingin nito kay Killian. Marahil ay nagtataka ito dahil hindi na si Liam ang kasama niya kundi si Killian na.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD