Humiga sa sun lounger na nakapuwesto sa ilalim ng punong niyog si Ava habang pinapanood ang mga ibong nagliliparan sa kaniyang harapan. The calmness of the sea reminds her how peaceful the place is. Tanging mga hampas ng alon at huni ng mga ibon lang ang naririnig niya roon. Ang ibang guest kasi sa resort ay sa kabilang bahagi lang niyon madalas na pumupunta. Nang lumapag ang chopper kagabi sa helipad ng resort, nagpa-book siya kaagad ng kwarto sa pinakasulok na villa. Ang bawat bila ay may anim na magkakatabing kwarto. Sa istilo ng mga iyon ay para siyang nasa Indonesia. Tumayo siya at hinubad ang suot na swimsuit cover up at marahang inilapag sa sun lounger. Wala siyang inaksayang oras nang lumapat ang kaniyang mga paa sa mababaw na parte ng dagat. Pagdating niya sa mababaw na parte at

