Kinabukasan, parang batang sabik na sabik si Eury nang sunduin si Ava sa ancestral house nila. Alas-sais pa lang ng umaga ay naririnig na ni Ava ang ingay na nagmumula sa labas. Dali-dali siyang bumaba para tingnan iyon. Napangiti siya nang makita sa labas ang kaniyang kaibigan ngunit kaagad naman siyang napangiwi nang makita kung ano ang sinakyan ni Eury papunta roon. "Seriously? Nangabayo ka lang?" nakataas ang kilay niyang tanong sa kaibigan sa halip na batiin ito. "Obvious ba? Hindi naman siguro mukhang kalabaw si Kyron 'di ba?" pabirong sagot ng dalaga. Inirapan naman niya ito bago niyaya sa loob ng bahay. Iniwan naman ni Eury sa labas ng gate ang kabayo at maayos na itinali sa poste ng kanilang gate. Ibinilin na rin niya iyon sa asawa ni Manang Cora na kanilang hardinero roon up

