Ava spent her free days learning how to cook. Nagsimula siyang lutuin ang mga paboritong ulam ni Killian. Hindi rin ito kumakain kapag walang kanin kaya nagsanay na rin siyang magsaing. Noong una, kung hindi nalulugaw, hilaw naman ang kinalalabasan ng sinaing niya. Mabuti na lang at dumating ang tagalinis nilang si Manang Belen nang araw na ‘yon. Sinamantala na niya ang pagkakataong magpaturo rito ng ilang Filipino dish na paborito ni Killian. Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa ang ma-perfect niya ang pagsasaing. “Ma’am Ava, pwede ho bang hingin ko na lang itong mga nasayang na kanin? Ipapakain ko na lang ho sa mga baboy namin,” ani Manang Belen. Nahihiya niyang tinapunan ng tingin ang nasayang na pagkain. “Sige ho, manang.” Iniisip pa lang niya kung gaano karami ang mga taong n

