Nang bumukas ang elevator, iginiya sila ni Liam patungo sa office nito kung saan madadaanan nila ang cubicle niya. Bago sila pumasok doon ay nag-fill out muna si Killian sa logbook na nakalagay doon bilang bisita. Sa katulad kasi nilang mga empleyado ng ELF ay hindi na iyon kailangan. Si Killian, kahit kapatid pa nito ang isa sa may-ari ay hindi exempted doon. Kumunot ang noo niya nang isulat nito ang pangalan. Killian Arthur Franco. "You didn't put Atty. and CPA..." anas niya habang nakatayo sa gilid nito. Marahan itong umiling. "It's not necessary, baby. Here, I'm just an ordinary visitor." Pinagdikit niya ang mga labi at nagkibit-balikat na lang sa isinagot nito. Pagkuwa'y napangiti na rin siya. May punto rin naman kasi ang kaniyang nobyo. Naaalala pa niya ang laging sinasabi noo

