Marahang tumango si Ava sa tanong ng kaniyang ina. “Y-Yes, ‘mom. I’m sorry…” Umiwas siya ng tingin nang maramdaman niya ang mga luha niyang unti-unti nang pumapatak. Naramdaman na lang niya ang marahang paghaplos ng kaniyang ina sa kamay niyang nakapatong sa ibabawa ng tiyan niya. “Congratulations, anak. Alam ko na bago pa lang sa ‘yo ang lahat. But you’re a mother now. Is he the father?” masuyo nitong tanong. Marahan niyang ipinihit ang mukha paharap dito at saka tumango. She didn’t have to say a word. She knew her mom would eventually learn about it. Isa pa, wala rin naman siyang balak na itago rito kung sino talaga ang ama ng dinadala niya. Wala naman siyang ibang naging karelasyon. “Could you not tell him about this, mom? Ayoko munang malaman niya.” Bumuntonghininga si Savanna bag

