After a month of recovery, Ava was back to her normal life. Kaliwa’t kanang meeting sa mga kliyente, at pagbisita sa mga business property na minana sa kaniyang ina. Nagsimula na rin ang school year ng mga bata. Kumuha sila ng permanenteng yaya na sasama sa paghatid-sundo sa mga ito habang abala silang mag-asawa sa trabaho. Minsan, sila naman ang sumusundo sa dalawa lalo na kapag naiisipan nilang kumain na lang sa labas o ipasyal ang mga ito. Sinisiguro nila na kahit busy sila sa kani-kanilang trabaho ay hindi sila mawawalan ng oras sa kanilang mga anak. Kalalabas lang ng huling kliyente ni Killian nang tanghaling iyon nang dumating ang kaniyang private investigator. Nagpakilala ito sa kaniyang sekretarya bilang childhood friend niya para walang makahalata na nagpapa-imbestiga rin siya tu

