Dalawang araw bago ang first day ni Ava sa ELF, nagpasya siyang kumustahin si Andreiu sa kompanya nila. May kalayuan iyon sa location ng penthouse pero may sarili naman siyang sasakyan kaya hindi na siya nag-alalang matagalan pang makabalik. “Do you want me to come with you?” tanong ni Killian sa kaniya habang kausap ito sa phone. “No. Kaya ko na ‘to mag-isa. Mag-focus ka na lang sa work mo kasi ang dami mo palang kinancel na meeting with your clients no’ng isang araw,” aniya na ang tinutukoy ay ‘yong araw kung kailan dumating si Chiara. “Okay. Just take care and call me when you get home,” anito na hindi nakipagtalo pa. Umibis sa kotse si Ava nang mai-park niya ng kaniyang sasakyan sa basement parking ng kanilang kompanya. “Good morning, Miss Ava!” bati ng receptionist sa kaniya na p

