Laking pasasalamat ni Ava nang hindi makarating sa kaniyang ina ang nangyari sa party. Sigurado kasi siyang makakadagdag pa iyon sa iniisip nito at mas lalong hindi makakabuti sa lagay nito ngayon. Ilang araw na rin ang nakalilipas mula nang mangyari iyon pero malinaw pa rin sa kaniya ang lahat na parang kahapon lang iyon nangyari. Inayos na niya ang ilan sa mga gamit na dadalhin niya sa mansion. Sinabi na kasi sa kaniya ni Savanna na hindi na niya kailangan pang magdala ng maraming damit mayroon nang sariling closet ang kwarto niya at may mga laman na rin iyon. Pagdating niya sa mansion ay tulog pa ang mommy niya kaya nagpasama na lang siya sa bagong silid na tutuluyan niya. Noong una kasi ay sa ibang kwarto muna siya pinatulog dahil kasalukuyan pang inaayos ang para sa kaniya. Upang h

