Kent’s Point of View IT’S ALREADY eleven o’ clock in the morning at kasalukuyang naghahanda ako ng sarili ko sa loob ng kuwarto ngayon. Ito kasi ’yong araw na alam kong ayoko talagang mangyari sa buong buhay ko. Magkikita na naman kasi ang pamilya ko sa pamilya ni Cindy upang pag-usapan na ang kasal naming dalawa. Huling kita namin ay noong nakaraang buwan pa. Ngayon lang kami nagkaroon ng oras para makipagkita muli because both parties were busy on their own businesses. Hindi ko rin naman masisisi si Mr. David Ong kasi may business din siyang pinapatakbo. Nagsuot lang ako ng semi-formal na damit: long sleeve t-shirt na kulay dirty white, trouser na may pagka-dark blue naman ang kulay, at black shoes na hindi ko na sinuotan pa ng medyas. Tinupi ko lang ang sleeve ng suot kong long-sl

