Monica’s Point of View “HINDI KA na ba talaga magpapapigil? Sigurado ka na ba talaga na magaling ka na?” nag-aalalang tanong sa akin ni Chepai habang kasalukuyang nag-aayos ako ng sarili ko sa harapan ng salamin. “Oo. Magaling na ako. ’Wag ka ng mag-alala sa akin,” tipid kong sagot naman sa kanya habang naglalagay ako ng kaunting polbos sa mukha ko. Nakita ko sa reflection ng salamin na bumuntong-hininga si Chepai dahil sa sagot ko. “Nag-aalala lang ako sa iyo. Baka mabinat ka.” “Hindi ’yan. Mag-iingat lang ako. Saka may pupuntahan pa ako kaya hindi ako puwedeng manatili lang dito sa kuwarto at magmukmok. Magdadala na lang ako ng gamot para in case na bumalik ang lagnat ko, iinom na lang ako ng gamot.” Hindi na rin siya nagpumilit pa sa akin at hinayaan na lang niya ako. Matapos namin

