Kent’s Point of View IT’S BEEN three days since I went to St. Joseph University to make sure na mae-enroll ako this coming semester. Next week na nga pala ang first day of school, sad to say for me. Ayoko mang bumalik sa university na iyon dahil marami akong naiwang memories kay Bianca roon, wala naman akong magagawa kasi pilit na pinapa-enroll ako ng ama ko. Nakapag-aral kasi ako roon ng 1st year ngunit natigil lang ako dahil nga sa nangyari noong nakaraang taon. My dad wanted me to stay focus in my studies this time. Kung noon ay malaya kong kinuha ang Computer Science na kurso, ngayon ay siya na ang pumili ng kursong kukuhain ko. Business Management, a boring one for me. ’Yon daw ang kailangan kong tapusin na kurso dahil sa akin daw nakasalalay ang business ng pamilya kapag mawawala

