Chapter 63

2104 Words

Monica’s Point of View MAKALIPAS ang ilang araw ay unti-unti na ngang nagbago ang lahat. Matapos kong sabihin kay Kent na magre-resign na ako sa pagiging tutor ng kapatid niya ay doon ko naramdaman kung gaano hindi kasaya ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Oo naman, nagkikita pa rin kami ni Kent sa campus ng SJU. Pero pinagmamasdan ko na lang siya sa malayo kasama ang mga kaibigan niya. Minsan nga nakikita ko na lang siya na kasama niya palagi si Sheila, eh. Hanggang ngayon ay iba pa rin ang tinging pinupukol sa akin ni Sheila. Kapag binabato niya ako ng tingin niya, para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya. Wala naman akong ginagawang masama. Siguro may koneksyon ang ganoong pagtingin niya sa akin no’ng hindi niya sinasadyang makita niya kaming dalawa ni Kent naghahal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD