Kent’s Point of View
THE RIDE was too quiet. Walang nagi-imikan sa aming dalawa ng personal driver kong si Robe. Siguro dahil na-realize niya na masungit ako at wala ako sa mood makipag-usap. But who cares. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay makarating na kami sa Memorial park kung saan nakalibing si Bianca.
Ten minutes after we left the airport, I was looking outside the car. Hindi ko mapigilan ang mag-isip ng kung ano-ano dahil na rin sa nararamdaman kong kaba na kanina ko pa nakakapa sa aking dibdib.
Hanggang sa biglang tumunog ang cell phone ko na nasa aking bulsa. Mabilis na kinuha ko ito at nananalantay na naman sa aking katauhan ang inis dahil baka ang kinaiinisan ko na namang step mother ang nag-text sa akin.
But I was wrong. It was Sheila, my childhood best friend.
She said, “Nakauwi ka na?” And then followed by, “May nagsundo ba sa iyo? Kung wala, I’m willing to pick up you.”
I started to type on my phone so that I could reply her. Sinabi ko lang na papunta ako sa Memorial Park upang dalawin si Bianca. Kilala niya rin kasi ang girlfriend kong namatay because they were friends before. Kung hindi dahil kay Sheila, I wasn’t able to tell my feelings to Bianca how much I love her. In short, si Sheila ang naging tulay para maging magkasintahan kami ni Bianca. And I owe her a lot for that.
“Ganun ba. Oh, sige. Pupunta na rin ako sa Memorial Park. Bibili na rin ako ng bulaklak para kay Bianca.”
Sumang-ayon lang ako sa gusto niya at hindi na nakatanggap pa ng text mula kay Sheila. Muli akong napatingin sa bintana upang tingnan ang kawalan nang hanggang sa biglang nagsalita ang personal driver ko na si Robe habang tutok ang mata nito sa pagmamaneho ng sasakyan.
“Sir, okay lang po ba kayo? Kanina pa po kasi kayong tahimik diyan.”
Napatingin ako sa gawi ni Robe. Nang tingnan ko ang rear view mirror ng sasakyan, patingin-tingin din siyang tumitingin doon habang nakasilay ang ngiti nito sa labi.
“I’m fine. Medyo nahihilo lang ako,” sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa bintana.
Hindi kaagad ako nakarinig ng sagot sa kanya matapos kong magsalita. But after a seconds of silent, dito na siya muling nagtanong sa akin.
“Sir, hindi po sa nangingialam ako sa buhay niyo, pero gusto ko lang pong malaman kung sino ang dadalawin niyo po sa Memorial Park?”
Hindi na rin ako nag-atubili pa na sumagot upang tumahimik na siya. “My girlfriend. Kaya bilisan mo sa pagmamaneho riyan at baka uminit pa ulo ko sa iyo.”
Nakita ko kung paano nataranta sa kinauupuan nito si Robe dahil sa sinabi ko. Natakot siguro siya sa pagbabanta ko sa kanya kaya hindi na rin niya nagawa pang magtanong tungkol sa pupuntahan namin.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating naman kaagad kami sa Memorial Park na tinutukoy ko. Ipinarada lang muna ni Robe ang sasakyan sa isang gilid at ako naman ay tuluyan ng bumaba sa sasakyan, at dumaretso na sa puntod ni Bianca.
At nang sandaling nasa harapan ko na ang puntod ni Bianca, hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging emosyal.
The grave was engraved by her complete name: Bianca Mae Olivardo
Died on October 20, 2016
At may maliit na litratong nakadikit sa lapida nito na hugis bilog.
Napaupo ako sa ere at hinawakan ko ang litrato niyang iyon. I was in tears at that moment. Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako sa sinapit ni Bianca nang dahil lang sa akin. Kung hindi sa pagmamaneho ko ng motor, hindi kami maaaksidente. Eh, ’di sana buhay pa rin siya hanggang ngayon.
“I’m sorry. I’m so sorry,” sabi ko na lang habang umiiyak ako. “Kung nakinig lang sana ako sa iyo, hindi ka sana nariyan. Kasalanan ko ang lahat, Beb. Kasalanan ko. Hindi ako nakinig sa iyo. Sana patawarin mo ako.”
Humingos ako sa pagkakaiyak. Sinubukan kong tumahan dahil baka kung saan pa mapunta itong pagdadrama ko. Gusto ko sana na iwasan na ang ganitong emosyon dahil ayoko nang maalala pa ang lahat na nangyari kay Bianca noon.
Pero ano ang magagawa ko. Sa tuwing naaalala ko ang lahat, automatic na parang nagi-guilty ako sa nangyayari. Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!
“Kent.”
May narinig akong mahinang boses sa likuran. Kahit hindi ako lumingon, kilala ko na kaagad kung sino iyon.
I tried to wipe my tears from my face bago ko siya kaharapin. And after that, I stood up on my ground and look her at my back. Humihingos-hingos akong napatingin kay Sheila na alam kong malungkot din siyang nakikita akong umiiyak. May dala siyang isang basket ng bulaklak.
“Hey, it’s okay. Hindi mo kasalanan ang lahat. Kaya ’wag mong sisihin ang sarili mo,” sabi ni Sheila sa akin at sabay hawak niya sa kanan kong balikat upang bigyan niya ako ng comfort.
“But it’s my entire fault. Kung hindi ako naging tanga sa pagmamaneho ko noong gabing iyon, eh ’di sana hindi siya nawala. Kahit sabihin mo sa akin na hindi ko kasalanan, bakit nagi-guilty pa rin ako sa nangyayari?” I said while sobbing.
Inilagay muna ni Sheila ang dala niyang maliit na basket malapit sa lapida ni Bianca. Hinawakan niya ang lapida ng ilang saglit bago siya tumayo at tumabi sa akin.
“Hindi naman kasi natin masasabi ang kapalaran ng buhay ng tao, Kent. Aksidente ang nangyari sa inyong dalawa ni Bianca. Sana ma-realize mo na hindi mo talaga kasalanan ang lahat. And besides, lahat tayo ay hindi naging masaya sa maaga niyang paglisan dito sa mundo. Kaya tumahan ka na diyan at para kang batang inagawan ng laruan kung umiyak,” pagsasaway ni Sheila sa akin. She tried to add some joke in the end para naman hindi na ako mag-drama pa. Napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon.
Wala na rin akong nagawa kundi tumigil na sa pag-iyak. Naisip ko na wala na rin naman din kasi akong magagawa sa pag-iiyak ko. ’Yon nga lang, hindi ko talaga maiwasan na maging emosyonal kapag naaalala ko ang lahat.
“By the way, Tita Olivia called me when I passed by in your house. Nagtanong siya sa akin kung saan ako pupunta. Sabi ko naman, pupuntahan kita rito sa Memorial Park. And she said again that you need to go home to take some rest. Besides, may pa-welcome party siya sa para sa iyo mamayang gabi. Ini-invite niya akong mag-dinner mamaya.”
Parang nawala sa isipan ko ang lahat nang sabihin ni Sheila iyon sa akin. Alam niyang ayokong maging topic naming dalawa ang step mother kong si Olivia. Alam din niya kasi na naiirita ako sa stepmother kong iyon.
I hissed before I talked. “Hanggang ngayon ba ay ayaw pa rin niya akong tantanan? Nakakainis na siya.”
“Uyy! ’Wag ka namang ganyan sa stepmother mo. Alam kong malaki ang galit mo sa kanya dahil hindi mo pa rin tanggap na ina mo na siya. Mabuti ka nga may stepmother ka, eh. May nanay kang matatakbuhan. May ina ka na malalapitan. Eh, ako? Wala na ’yong totoo kong nanay. Alam mo na iyon, kaya hindi ko na ikukuwento sa iyo.”
Sad to say, our mothers had been died for so many years. Noong nagsisimula pa lang ako sa high school, I was eleven years old when my biological mother, Jennifer, died because of cardiac arrest. Makalipas ang ilang taon matapos mamatay ang ina ko, bigla na lang nagpakasal sa bagong babae ang ama kong si Shan, at iyon ay si Olivia. And I knew for the fact that Olivia is my father’s mistress. Alam ko iyan dahil aksidenteng nakita ko ang ama ko na nakikipaglampungan sa babaeng iyon noong nabubuhay pa si Mama.
Sinubukan kong sabihin ito sa Mama ko and I did that successfully. Iyon nga lang, laking gulat ko nang malaman ko na alam din pala ng Mama ko na may kabit si Papa. Hinahayaan na lang daw niya dahil, sa pagkakaalam ko, hindi naman din mahal ni Mama si Papa.
I was shocked in that revelation. Hindi ko akalain na kaya ni Mama na magbulag-bulagan sa lahat dahil lang sa hindi niya mahal si Papa. But deep inside, when I used to look at her, alam ko na nasasaktan si Mama.
Kuwento niya kasi sa akin, fixed marriage raw ang naganap sa kanilang dalawa ni Papa. Uso raw kasi sa mga lahing Chinese ang ganoong tradition noon. May lahi rin kasing Chinese sina Mama at Papa.
Pero ngayon, hindi na yata nasusunod ang ganoong tradition. Good to hear! Pero may instances na may ibang Chinese Family na nagfi-fixed marriage pa rin upang mapanataling matatag ang linya ng kanilang pamilya, lalo na sa takbo ng kanilang negosyo.
Kay Sheila naman, her mother died before when she was born. Magmula nang maisilang si Sheila sa mundo, hindi na niya nasilayan pa ang totoo niyang ina. Sa mga litrato na lang niya ito nakikita at mag-isang binubuhay siya ng ama nito na si Manuel na kinikilala kong sobrang mabait na ama sa buong mundo. Nasabi ko iyan dahil na rin kung paano niya mahalin ang anak niyang si Sheila noong bata pa ito at magpahanggang-ngayon.
“Let’s try not to talk about it. I am thinking how I will start my life here again,” sabi ko kay Sheila habang nakapamulsa ang dalawa kong kamay sa jeans ko. Nakatutok lang ang dalawa kong mata sa lapida ni Bianca. “How do I start?” dagdag ko pa nang ituon ko ang sarili ko kay Sheila.
“Don’t worry. I am here for you.” Tinapik pa niya ang balikat ko habang nakangiti siya sa akin. “Malapit na nga pala ang first day of school for first semester. Second year college na ako. Eh, ikaw ba? Nag-aral ka ba sa States habang doon ka nakatira?”
Umiling ako. “No. Ayokong mag-aral doon. I just spent my days and months thinking about Bianca. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Pinipilit ako ni Papa na mag-aral sa States, hindi ko lang siya sinunod.”
“Mabuti na lang at nakabalik ka na rito sa Pilipinas after one year. Akala ko kasi hindi ka na makakabalik pa dahil nga sa . . . dahil sa n-nangyari sa pamilya mo at sa pamilya ni Bianca,” she said while lowering her voice in the end. Nakakailang iyon para sa akin kasi nga ako ang puno’t dulo ng lahat kung bakit naging magkaaway ang pamilya ko sa pamilya ni Bianca. Nangyari lang iyon nang mamatay si Bianca.
Pero bumawi naman si Sheila pagkatapos niyang sabihin iyon. “But to be honest, na-miss kita.”
Hindi na lang ako nagsalita at napailing na lang ako. At saka ko siya tinalikuran. Naririnig ko pa ang boses niya habang nakasunod siya sa akin.
“Uy! Hindi mo ba ako na-miss? Isang taon din tayong hindi nagkita, ah,” sabi pa niya sa paglalambing na boses. Nasanay na rin ako kay Sheila na ganyan siya, laging nagpapalambing ng boses which I didn’t cringe a lot kasi bagay naman sa kanya. She looks so cute on that tone of voice by the way.
“Come on! Let’s go home,” sabi ko na lang at hinayaan ko na lang siyang sumunod sa akin.
Magkatabi kaming sumakay sa passenger seat ng sasakyan at mga ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay tinatahak na muli namin ang kalsada upang makauwi na sa mansyon.
At that moment, doon ulit bumalik ’yong kaba na kanina ko pa nararamdaman noong papasakay pa ako ng eroplano sa airport. And I am hoping that everything will be smooth and fine for my comeback.