"Miss Eunice, this is Miss Dahlia. Siya ang bagong secretary ni Boss. Ikaw nang bahalang magpakilala sa kanya sa mga department."
Ngumiti ako sa babaeng kausap ni Miss Janice. Sa pananamit at kilos ng babae ay halatang sopistikada ito. Matipid na ngiti ang binigay nito sa akin at pagkatapos ay inayos ang kanyang reading glass. Nakita ko ang mata niyang pasimpleng umirap.
Patay malisya na lang ako saka inalis ang tingin sa kanya.
"Yes, Ma'am," sagot nito kay Miss Janice. "Miss Dahlia, follow me," ika naman nito sa akin. Sumunod na ako palabas ng opisina ni Miss Janice.
Nagtungo kami sa bawat palapag kung nasaan ang mga department. Hindi ako sanay ngumiti pero kailangan kong gawin, sa totoo lang naninibago sa ganitong set-up. Mas sanay pa akong sa gubat o disyerto makipagbarilan at makipaglaban.
"Guys, we have a new employee. This is Miss Dahlia, ang bagong sekretarya ni boss." Pakilala ni Miss Eunice.
"Welcome," wika ng isang babae.
"Hello, Miss Dahlia," ani naman ng isang babaeng may edad na.
"Nice meeting you," wika naman ng isang lalake.
"Thank you," sagot kong nakangiti na sinabayan ng bahagyang pagtango.
Umabot din ng halos kalahating oras ang pagpunta namin sa bawat palapag nitong building. Bawat palapag kasi ay sakop ng isang department. Sa taas ng building na ito hindi na ako magtataka kung halos kalahati ng kabuuang building ay sakop nitong kompanya.
"Miss Dahlia, just want to inform you that from fifth floor going to thirtieth floor is the departments that we have. Aside from that, the last ten floors on the top is si Boss na ang owner." Nilingon ako ni Miss Eunice na nasa unahan ko.
Napatango ako saka sumagot. "Ah, okay po."
Muli niyang tinuon ang tingin sa kanyang nilalakaran. Halos tatlong segundo lang ang tinagal ng paglingon niya ngunit napansin ko agad ang pag-irap niya.
Napangisi ako at pasimpleng umiling. Ano kayang problema nito? Mukang mainit yata ang dugo sa akin.
"Miss Dahlia, our next destination is the office of Sir Gideon and Sir Yuki," ika naman nito.
"Okay po," tipid kong sagot.
Napabilis ang paglalakad niya sa hallway dahilan para magmadali din akong maglakad. Sumakay ulit kami ng elevator. Mula sa pang-sampung palapag ay pinindot niya ang buton sa pang thirty fifth floor. Tahimik kaming dalawa sa loob. Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita.
"From thirty first floor to thirty fourth floor is our security department."
Tumango ako. "Ahh, doon po ba---" Bago pa ko magsalita ay nagsalita ulit siya.
"That is the only department na hindi natin pwedeng puntahan."
"Okay po."
"It's for security purposes," ani niya sabay bukas naman ng elevator.
Alam ko ang tinutukoy niya, hindi na lang ako nagsalita. Sa halip ay sumunod na ako sa kanya sa paglabas. Mahabang hallway ang bumungad sa amin. Mula sa pinto ng elevator kung saan kami nakatayo ay may pinto sa bandang kanan ko. Halos pito o hanggang sampung hakbang ang layo nito mula sa pwesto ko. Napalingon ako sa bandang kaliwa. May pinto rin doon, katulad din ang layo nito mula sa pwesto ko.
Ang pinagkaiba lang ng dalawang pinto ay dark glass type ang nasa bandang kanan habang ang nasa kaliwa ay glass mirror type door. Nilingon pa ni Miss Eunice ang dalawang pinto. Ilang sandali pa ay sa bandang kanan siya humarap.
"Let's go to Sir Yuki," aniya.
Bigla akong kinabahan. Tila bumabaliktad ang sikmura ko habang lumalapit sa pinto. Pakiramdam ko kasi may censored device ang pintong iyon. 'Yong tipong pagpasok mo pa lang tutunog na dahil na-detect nito ang ballpen sa blouse ko na may spy camera. Habang papalapit sa pinto ay pasimple kong hinawakan ang ballpen at in-off. Saktong pagtapat namin sa pinto ay may maliit na pulang ilaw sa may bandang itaas. Nagpalipat-lipat ito sa amin ni Miss Eunice, mayamaya pa ay bumukas na ang pinto.
"Good morning Sir Yuki," bati ni Miss Eunice.
Bumaling agad ako kay Miss Eunice, tila nag-iba yung awra niya, kanina lamang ay parang ang sungit sungit niya ngayon ay parang naging anghel sa lapad ng ngiti niya.
"Good morning. Siya na ba ang bagong hired?"
Isang boses ang narinig ko sa pintong nakaawang. Napalingon ako at napatitig sa lalaking naka suite na blue. May kataasan siya. Ang tantya ko ay nasa five nine ang taas niya. Itim ang kanyang buhok at nakatali. Napansin ko din ang tattoo na nasa kanyang leeg, tiyak kong malaki ang tattoo niya dahil natakpan na ito nang kanyang polo. Hindi siya gaanong kaputian ant ang mata niya ay may pagkasingkit ng kaunti.
"Yes, Sir Yuki," nakangiting sagot ni Miss Eunice.
"Come in," wika ng lalaki.
Hinawi niya ang pinto upang kami ay makapasok. Pagpasok ay sinara niya din agad ito. Umupo siya sa swivel chair na may working desk.
"What's your name again?" ani ng lalaki.
"Dahlia Sanchez po," sagot ko.
Matipid na ngumiti ang lalaki pagkatapos ay pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Kahit hindi siya magsalita ay tila nahuhulaan ko na kung ano ang iniisip niya. Ngumisi siya ngunit mabilis niya ding binawi ng ngiti. "Do you have a nickname? Masyadong formal kung tatawagin kitang Miss Dahlia. I'm sure aware ka naman sa magiging trabaho mo rito?"
Natigilan ako ng ilang sandali. Parang hindi pa yata nagsi-sink in sa isip ko ang maging secretary. Ngumiti ang lalaki dahilan para ako ay magsalita na.
"Yes po, Sir."
Tumayo siya at lumapit sa akin. Isang hakbang lang ang pagitan namin pero amoy na amoy ko ang pabango niya. Mabango naman pero hindi ko gusto ang amoy. Baka hindi lang ako sanay sa lalaking mabango. Madalas kasi ng mga kasama ko sa kampo ay walang amoy minsan naman amoy pawis lalo na pag kami ay nagte-training.
"What do you want me to call you?"
"Zo---" Natigilan ako at agad na ngumiti. "I mean Dal or Lia na lang po." Pasimple kong kinagat ang ibabang labi ko. Anak ng! muntik ko nang masabi ang totoo kong pangalan. Zoo mag-focus ka! Nasa misyon ka! Mamamatay ka rito pag nalaman nila kung sino ka talaga! wika ko sa sarili.
"Hmm," aniyang sinabayan ng pagtango. "Miss Eunice, you can go now. Ako nang bahala sa kanya."
Bumaling ako kay Miss Eunice. Ngumiti siya saka nagsalita. "Okay, Sir."
Sinundan ko na lang siya ng tingin habang papalabas sa pinto. Paglabas niya ay nasa gilid ko pa rin nakatayo ang lalaki. Si Sir Yuki.
"Tayong dalawa na lang," natigil siya sa pagsasalita dahilan para tignan ko siya.
Sinalubong niya rin ako ng tingin. Ibang tingin ang binibigay niya sa akin. Yung tingin na parang hinuhubaran niya ako. Pasimple kong niyuko ang aking ulo. May kaba na akong nararamdaman dahil may posibilidad na alam na niya ang totoo kong pagkatao.
"'Wag kang mahiya Miss Dahlia, I mean Lia," saka siya humagikgik ng mahina.
Muli ko siyang tinignan at ngumiti ng pilit. "Pasensya na po, Sir Yuki."
"Anyway, follow me."
Napalunok ako bigla. Saan niya kaya ako dadalhin.
"I'll introduce you to Gideon," sagot niya na tila nabasa ang iniisip ko.
"Okay po--" natigilan ako dahil paglingon ko ay tumama ako sa kanya, sa parteng dibdib.
"Sorry," aniya sabay pagpag na kaunti sa kanyang suite. Pagkatapos ay kinuha ang ballpen sa kanyang working desk. Sa kilos niya ay tiyak kong may pagkamayabang at tuso siya. Di siya uubra sa akin.
Lumapit na ko sa pinto pero bago ko mapihit ang door knob ay muli siyang nagsalita. "Lia, I'm sorry for saying this, pero I think pumili ka nang susuotin mo."
"Ha? I mean, bakit po, Sir?"
"Hindi ko gusto 'yang suot mo," sagot niya.
"Po?" wika ko nalang. Pero ang nasa isip ko. Sikmuraan kaya kita?
Lumapit siya sa pinto. "Open the door," aniya ulit.
Pinihit ko agad ang door knob at hinawi. Nauna siyang lumabas at sumunod ako. Pagsara ko ay awtomatikong tumunog na tila ba naka-lock na 'to.
"Let's go to Gideon," ika niya ulit at naunang lumakad patungo sa kaliwang bahagi. Lumapit siya pinto, ito 'yong pinto kanina na glass mirror door.
Habang lumalapit sa pinto ay siya ding kaba ko. Sino naman kaya ang nasa loob nito?