MST C-1

1254 Words
“Who is she?” tanong ko sa isa kong kasamahan saka pasimpleng nginuso ang babaeng naka unipormeng katulad ng aking suot. “Si Lieutenant Zoo ‘yan. Bakit? Type mo?” tanong ng aking kausap at mayamaya pa ay umiling habang nakangisi. “Sinasabi ko sayo hindi ka uubra d’yan. Mas brusko pa ‘yan sa tunay na lalake,” saad pa nito saka tumapik sa aking balikat. Mas lalo akong nagkaroon ng interes dahil sa sinabi nito. At may kung ano sa aking isip na nagbigay ng lakas ng loob para ako ay tumayo mula sa pagkakaupo at lalong ituon ang aking tingin sa babaeng kanina ko pa tinatanaw. “’Wag mo nang tangkain. Hindi ‘yan papatol sayo,” kantyaw pa ng aking kausap ngunit nginisian ko lang pagkatapos ay sinuklay ko ang gilid ng aking buhok gamit ang aking daliri. “Who knows, baka magbago pa ang isip niya,” saka ako lumakad palapit sa babaeng abala sa pag-aayos ng kanyang baril. Saglit siyang natigil sa pagpupunas ng kanyang baril at tinapunan ako ng walang kagana ganang tingin. Muli niyang binalik ang atensyon sa baril at kinuha naman ang sigarilyo na nasa maliit na astray. Hinithit at nagbuga ng usok. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nahuhumaling na tignan siya na kahit ang gaslaw niyang gumalaw at may pagka brusko ng kanyang dating ay hindi ito naging kabawasan sa kanyang pagkakababae. Ang totoo pa nga’y lalo pa itong nagpapadadag sa kanyang aking kagandahan. Hindi siya kaputian ngunit ang pisngi niya ay natural ang pagkakapula ang kulay, itim na buhok na nakapusod, ang pilikmata niyang mahaba na bumagay sa di kakapalan niyang kilay, at ang ilong niyang maliit na matangos. Lahat ng katangian niyang nakikita ko ngayon ay tila magnet na naging dahilan para mas lalo kong ituon ang mata ko sa kanya. Hindi maikakaila na lahat ng kasama kong lalaki dito ay nagkaroon ng paghanga sa kanya. “Hi I’m Cayden, Cay for short,” lakas loob kong sambit kahit hindi niya ako binigyan nang sandaling tingin. Nasa baril pa rin ang kanyang tingin na tiyak kong wala sa isip niya na bigyan ako ng kahit konting atensyon. “Wala akong balak mag-asawa,” mayamaya ay sabi niya saka kinuha ang sigarilyo upang hithitin at pagkatapos ay pinatong niya sa astray. “I’m just telling my name,” bigla akong tumawa. “Did I asked you?” tanong niya at tipunan ako ng matalim na tingin. “No. Pero—" natigilan ako dahil bigla siyang nagsalita. “Umalis ka d’yan,” sagot niya at mulig itinuon ang tingin sa baril na kanyang inaayos. Muli akong tumawa at pailing-iling habang kausap siya. “I’m Cay, nice to meet you,” wika kong binalewala ang pagtataray niya. “Then?” Mukang totoo nga ang sinabi ng mga nandito. Mas brusko pa siya sa tunay na lalake. Nilingon ko ang mga kasama kong nakaupo sa kanilang upuan, nakangisi sila na para bang alam na nila na hindi rin ako uubra sa babaeng kaharap ko. Muli kong tinignan ang babae at tinungtong ang aking kamay sa mesa. “Miss, gusto ko lang makipag—” “Umalis ka d’yan,” sagot niya agad na hindi na ako pinatapos magsalita. “Ang sungit mo naman—” “Mister, for your information. Hindi ako nakikipagkaibigan,” bigla siyang ngumisi at tinitigan ako nang walang kagana-agana. “Di ako interesado. Okay?” Nakita ko kung paano niya ako binigyan ng malamig na tingin. Ang mga mata niyang malamlam na kahit titigan ko iyon ng matagal ay walang kasiguraduhan kung ako’y kanya pang kakausapin. Humalakhak siya ng dalawang beses. Kinuha ang baril sa mesa at walang pag-aalinlangan na itinutok sa akin. Napalunok ako at napatitig sa baril na nakatutok sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. “Oh, come on. Pa-prangkahin na kita, wala akong balak mag-asawa.” Tumawa ako para kahit papaano ay maibsan ang konting kabang nararamdaman ko dahil sa baril na nakatutok sa akin. “You’re not my type.” s**t! Bakit ito ang sinabi ko? Gusto ko sanang bawiin ngunit mas lalong sumeryoso ang mukha niya. “Hindi ka pala type, Lieutenant.” “Oo nga.” Sunond-sunod na tawanan at hiyawan ang namayani ng mga sandaling iyon. Hahawakan ko sana ang baril niya palayo sa akin ay bigla naman siyang nagsalita. “Kung hindi ka tatablan ng bala. Sige aasawahin kita,” inis niyang sambit na sinabayan ng mapait na ngisi. “Yari ka na!” “Katapusan mo na, brad!” “Sabi ko sayo di ka uubra kay Lieutenant Zoo!” Kantyaw ulit ng mga kasama namin at mayamaya pa ay inilusot niya ang kanyang daliri sa bilog kung nasaan ang gatilyo ng baril. Fuck the s**t! Is she going to shoot me?! “Babarilin na kita. Isa, dalawa-“ “Wait!” wika ko at biglang namuo ang pawis sa noo ko. “Aalis ka d’yan o babarilin kita?!” tiim-bagang niyang smabit. Halos lunukin ko ang sarili kong laway habang nakatingin sa butas ng baril na nakatutok sa akin. Kung gagawin niya nga ang sinabi niya ay tiyak kong hindi ako mabubuhay. Pinilit kong ngumiti upang ipakita sa kanya na hindi ako natatakot ngunit kabaliktaran ito ng nararamdaman ko ngayon. Parang may mga dagang naghahabulan sa loob ng dibdib ko dahil sa kabang di ko makontrol. “I’m just talking to you. Relaks,” sambit ko at hinawi ang kanyang baril ngunit muli niyang itinapat ito sa akin. “I don’t like talking to you. But if you insist, you better watch out,” pagbabanta niya. Hindi ako nakasagot, napalunok na lang ako at humingang malalim. “Understand?” tanong niya. Ngumisi ako upang kahit papaano ay di ako mapahiya sa harap ng aming mga kasama. I never thought na ganito siya ka-ilap. She’s dangerous. Ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala at nakasalamuha ko. Tinaas ko ang dalawa kong kamay at paatras na humakbang. Pagkatapos ay hinawi ko ang kanyang baril. Tumango ako. “Yes, I understand.” Ganoon pa rin ang tingin niya, matalim na walang kagana-gana. Ilang sandali pa ay kinuha niya ang sigarilyo na nasa ashtray at hinithit ‘yon. Nang maubos ay dinikit nito ang upos ng sigarilyo upang patayin sa kanyang palad ang kaunting baga. Kinuha niya ang baril at umalis. “Brad, muntik kana,” ani ng aking kasama at tinapik ako sa balikat. “Lahat kami dito ilag sa kanya. Pero brad, ang lakas ng loob mo. Bilib ako sa’yo,” wika naman ng isa na nasa kaliwa ko. “May binaril na ‘yan, mabuti nga at nadaplisan lang,” kwento naman ng isa. “Binaril?” kunot noo kong sambit. “Oo. Paano ba naman, binastos siya. Kaya ayun binaril niya sa braso. Sniper din ‘yan. Kaya brad, wag mo nang uulitin ang ginawa mo kanina. Kasi mukang tutuluyan ka na n’yan sa susunod,” wika ulit ng isa nasa kaliwa ko. Di maalis ang tingin ko sa babaeng nakikipag-usap na sa isa pa naming kasama. Nakatayo sila malapit sa helicopter. May mga box na inilalagay doon at ang babaeng tinawag nilang mailap ay tumulong na rin sa pagbubuhat. Wala siyang kaarte-arte at sa kilos niya mahahalatang sanay siya mabibigat na gawain. “Balita ko aalis na siya sa serbisyo,” mayamaya ay sabi ng isa kong kasama. Napalingon ako at kumunot ang noo. “She’s leaving?” “Balita ko lang naman, who knows? Baka hindi naman totoo,” bawi naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD