Drake's POV
"Sasabihin mo na ba?" Tanong ni Zein saakin dahil kaming tatlo lang ang nandito ngayon "wala akong balak, zein. Natatakot akong masaktan si Paisley" sagot ko sakaniya habang nakaktingin sa pader na nasa likod ni zein "masasaktan naman talaga siya sa ayaw at sa gusto mo Drake." Biglang singit ni Toby saamin habang nag aalala na. "Bahala na" sabi ko sabay higa sa kama
Naisipan ko nalang na matulog dahil hindi ko na rin sila narinig na mag tanong o mag salita.
Toby's POV
It's 7am in the morning. Naisipan ko na silang gisingin dahil may pasok si zein atsaka kailangan akong samahan ni drake sa isang event. Nagising na si Zein pero si drake hindi magising gising. "Drake? Gising na" kahit anong alog namin ni Zein hindi siya nagigising. Namumutla na rin ang labi niya na tila ba ay wala nang dumadaloy na dugo dito "dalhin na natin sa ospital please" nag aalalang sabi ni Zein saakin habang nag mamadaling kunin ang susi ng sasakyan niya, agad naming sinakay si drake na walang malay at pumuntang ospital. Alam kong mag aalala si Paisley sakaniya pero binaliwala ko muna yon dahil kailangan ni Drake mapa confine agad.
Ilang oras na ang naka lipas at wala pa rin kaming balita kung kamusta na si Drake sa loob. Hindi rin naman kami maka pasok dahil pinagbilin ng doctor na kailangan niya muna mag pahinga at hintayin muna namin ang pag recover niya. "Hey, toby right?" Lumapit saamin ang doctor "kamusta po si Drake?" Tanong ko habang nag aalala na sakaniya "minomonitor namin ang heart niya.. Nag s-straight ang line pero 5 minutes lang tapos babalik agad" sagot naman ni doc saakin. Bigla nalang umiyak si Zein at agad na kinuha ang cellphone niya. "Paisley.." Umiiyak na sabi ni Zein sa call hindi niya maiexplain ang nangyari kay drake kaya kinuha ko ang cellphone niya at ako ang sumagot "Ano nangyari kay Zein? Bakit umiiyak?" Tanong saakin ni Paisley. Nag aalangan pa nga akong sabihin nung una dahil alam kong iiyak din siya pag nalaman niya "andito kami sa hospital.. Kaninang umaga ginigising namin si Drake hindi siya gumigising. Minomonitor ng mga doctor ang heartbeat niya pero patigil tigil daw" may pag aalangan sa boses ko pero biglang natahimik si Paisley. Wala akong narinig na salita sakaniya kundi ang hagulgol niya. Naawa ako para kay paisley dahil hindi namin agad sinabi pero hindi naman kasi namin alam kung paano sasabihin sakaniya dahil ang alam namin iiyak siya at di niya kakalimutan ang sinabi namin at laging magiging akward ang moments nila ni drake kaya naisipan naming wag na sabihin.
Kahit ako naiiyak sa hagulgol ni paisley dahil naawa na talaga ako sakaniya pero hindi ko naman siya matulungan dahil maski ako nanghihina. Sinabi ko kay paisley kung nasaan kami at agad naman siyang nakarating dito tanging hagulgol lang niya ang rinig sa hallway ngayon habang cinocomfort namin siya.
Ilang oras pa ang lumipas at lumapit saamin ang doctor ulit "May nahanap kami sa katawan ni Drake. He has stage 3 lung cancer." Hindi kami nagulat ni Zein pero si Paisley humagulgol nanaman sa harap ng doctor, nag mamakaawa siyang gamutin nila si Drake ngunit hindi nangangako ang doctor saamin. Nanghihina na si Paisley at agad naman namin siyang inupo sa gilid dahil baka sumunod din siya sa confine. Parehas kaming nagkatinginan ni Zein dahil naawa kami kay paisley pero wala kaming magagawa dahil nandiyan na si Drake sa sitwasyon na dapat di na namin hinintay eh.
Paisley's POV
Sobrang sakit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala si Drake. Kanina pa ako nag mamakaawa sa harap ng doctor para gamutin nila si Drake pero umiiling lang sila at hindi nangangako, humarap ako kela zein at nag tanong "Gagaling naman siya diba? Papagalingin siya ng mga doctor diba?" Tanong ko sakanila habang nag mamakaawang umoo pero nagkatinginan lang din sila habang nag aalangan. Hindi pwede, gagaling siya! Hindi siya mawawala saakin. Kanina pa ako iyak nang iyak sa harap nila zein pero wala akong nakukuhang sagot kung bakit siya ang piniling magka sakit at hindi nalang ako. Naisipan kong dumaan sa chapel bago pumasok sa kwarto ni Drake.
"Lord, pagalingin nyo po si Drake please. Sobra sobra ginawa niya para saakin noon pwede po bang isang request ko lang po na pagilingin nyo si drake matupad nyo? Nag mamakaawa ako please gusto ko pang makasama si Drake.. Wag nyo po kunin saakin oh. Masakit, ano nalang gagawin ko kung mawala siya?" Ang dami kong tanong na binabato sakaniya. Ang sakit sobra.
Ilang minuto pa ay umalis na rin ako at pinunasan ang mga luha ko bago bumalik sa kwarto ni Drake. "Hi love.. Kamusta? Gumising ka na hinihintay ka na namin dito. Alam mo ba ang dami kong kwento ngayon, pag hindi ka gumising sige ka magagalit ako sayo" sinubukan kong mag pigil ng luha ngunit agad silang tumulo. Bakit siya? Ang daming tao.. Bakit yung mahal ko pa kinuha nila?
1 week later...
"Doc, kamusta si Drake?" Tanong ko pagka pasom ni doc sa kwarto niya. "Goodmorning! Nagiging okay na ang pakiramdam ni Drake ngunit di pa rin siya gumigising." Nag nod naman ako bago umalis si doc. "Narinig mo yun? Umookay ka na! Malapit ka na magising, labanan mo yang sakit mo ha?" Pilit ang ngiti ko habang binibigkas ang mga salitang yan sa harap ni Drake. Dumating na rin sila Zein at Toby sabi nila sila na raw muna ang mag babantay at mag pahinga nalang daw muna ako. Umoo nalang ako at lumabas para bumili ng pagkain para sakanila. Masaya akong nagiging okay na ang kalagayan ni Drake, hindi ko muna inisip dahil baka masagasaan ako dito! Shuta patintero with kotse. Alam ko namang di ako marunong tumawid dahil si Drake ang nagtatawid saaming dalawa pag mga ganito ahuhu!
Ilang oras pa bago ako maka balik sa ospital dahil medyo malayo ang mga bilihan ng pagkain. Meron namang canteen sa hospital pero close lahat dahil maaga pa nga.
Hay salamat naka balik na rin! Paakyat na ako sa kwarto ni drake at pagka pasok ko ay dumiretso ako sa tabi ni Drake kasabay naman non ang pag pasok din ni doc "Hey.." malungkot na sambit nya "Bakit doc? Anong balita?" Tanong ko sakaniya "i'm sorry to say this pero wala na siya" sagot niya habang nakatingin saamin. Hindi pwede! Maayos siya! Nagiging okay na siya kanina.. Tinignan ko ang monitor ni Drake at straight line nalang iyon "Bumulong ka na sakaniya.." Biglang salita ni Toby "I love you, goodbye" nanghihinang bulong ko kay Drake sabay atras at umiyak sa gilid habang nakikita ang maputlang katawan ni Drake na kanina ay hindi naman ganyan.. Maayos naman ang kalagayan niya kanina eh.. Pinanood ko ang mga doctor na dalhin ang katawan ni Drake papalabas ng kwarto niya. Wala nang natira sa kwarto kundi ang mga pagkain na binili ko na hindi naman nagalaw.
2 weeks later...
Masakit pa rin saakin, sobra. Narito ako sa kwarto ni Drake. Hinahalungkat ko ang mga gamit niya para linisin ang mga sulok dahil ilang araw na itong hindi napupunasan o nagagalaw. Tinignan ko ang nasa ilalim ng kama niya at may nakita akong box, binuksan ko ito at nakita ko ang pangalan ko na nakasulat sa isang papel.
Paisley, I know you're reading this now. I am sorry for not letting you know about my cancer. Nahirapan akong mag sabi sayo. Sobrang saya kong nakilala kita, gusto kitang pakasalan, pey. Masyadong masakit ang tadhana natin noh? Hey.. Don't cry. I know it hurts, i'm sorry for hurting you this way. I'm so happy I got to spend my life with you and I am sorry for leaving you this early. Alam mo ba binilhan kita ng singsing, mag pr-propose na sana ako sayo pero naunahan akong kunin eh. Nandiyan yung singsing love. I know na di dapat ako sumuko agad, i'm sorry I did. Masyadong masakit, ayokong makita kang nag dudusa dahil saakin. Love, move on and find someone okay? Hindi ako umabot sa birthday mo.. Sayang. Spend your birthday with Zein and Toby alright? Do all the fun stuff we both added on our bucket list, kompletuhin mo yan ha! Kahit wala ako. Live happy, even without me okk? I'll miss your laugh and our talks every midnight, I'll miss everything with and about you. Happy birthday, my love! Give your biggest smile on your birthday and everyday. I will love you forever. Look up the sky when you miss me ha! Don't forget to take care of yourself because I won't be able to do it for you anymore :)
- Drake
I cried my eyes out after reading his letter and seeing the ring he gave me. I will treasure this ring forever.
5 days later..
Nandito ako sa libingan ni Drake. Kanina pa ako nandito naka upo at nag kwe-kwento kung ano nangyari sa araw ko. Bigla akong naka ramdam ng lamig sa katawan at alam kong si drake yon, "aalis na ako ha? Babalikan kita bukas. I promise" paalam ko sakaniya at tumayo na, may biglang dumaan na paro-paro sa harap ko at dumampi iyon sa balikat ko. I smiled at it and it flew away "alam kong nandito ka, I'll visit you again" I said before leaving. Sumakay na ako sa kotse at umalis.