Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko pero umabsent ako sa klase ko ngayon. Ngayon ko lang gagawin to para lang sa isang 'picnic' kasama ang mga kaibigan ko. Pagkauwi ko sa bahay, hindi ko na ulit pinansin si Andriel dahil pagod na pagod ako. Mga 10 ng gabi na ata ako nakauwi. Doon na ako kumain kina Ellaine kasi ayaw nila akong pauwiin. I feel guilty for ignoring Andy. I should say sorry to him mamaya. "Yie! I'm so excited! We're going to a picnic altogether!" sabi ni Paris nang nagkita-kita kami sa bahay nila. Dala-dala na nila ang dalawang basket na puno ng pagkain. Hindi daw kasya ang isa dahil sasama pa daw yung mga boys. "After all the years! Magkakasama na rin tayong lahat!" sigaw ni Lindsey habang nakataas ang dalawang kamay. Napatawa na lang kami. Naghintay pa kami ng ila

