Nakatingin lang ako sa kanya. He... changed. I mean he changed his looks. Nagpa-dye siya ng light brown na buhok. Dati kasi black yung hair niya. Tapos para siyang nagwo-work out. Mag-iisang month lang naman siyang nawala ah? Bakit parang ang daming nagbago sa kanya? Alam na kaya ng mommy niya na nakabalik na siya? Bago ako makapagsalita, umalis na lang siya bigla at parang hangin na dinaanan lang kami. "S-si Andriel yun ah?" Nanlalaki ang mga mata ni Yssa habang nakatingin sa nakatalikod na pigura ni Andriel na lumiliit na. "Nakabalik na pala yung mokong" iritadong sabi ni Remy. "Sige Rems. Ibaba mo na ako dito. Maglalakad na lang ako papunta" Ibinaba na niya ako at patakbong tumungo sa klase ko ngayon. Pero imbwes na pumasok ay nag-turn ako sa left at nagmamadaling bumaba ng hagd

