Sino yung gwapong lalake na yun? Hindi naman sa lumalandi, pero pramis, may kung anong nagsabi sa akin na ang gwapo ng lalake pero may nagsasabi rin sa akin na nakakainis siya. Kita ko rin ang babaeng nakapulupot ang isang braso niya sa braso ng lalake. Bigla akong kinabahan nang tumingin siya sa gawi ko. B-bakit ganun? Why do I feel so intimidated? Wala talaga akong pakealam sa strangers pero ngayon, parang gusto ko na lang lumapit sa lalake at batukan. O di kaya'y umupo lang dito at titigan siya magdamag. Something about him feels so familiar. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin pa rin sa akin pero maya-maya'y biglang ngumiti. Napahawak ako sa dibdib ko na mas bumilis ang takbo. Ano bang nangyayari sa akin? Napatingin din sa akin yung kasama niyang babae at nginitian din ako. Pa

