Janine’s POV Ilang araw na rin nang sinabi ni dad na ikakasal siya kay tita. Simula nun, hindi ko na nakita pa si Andriel. Kahit papano naman, nag-aalala pa rin ako sa kanya.. bilang kaibigan. May pinagsamahan pa rin naman kami. Ngayon, sigurado akong magbabago ang lahat sa pagitan namin. Aaminin ko, mamimiss ko ang kilig na pinapadama niya sa akin, ang pagiging sweet niya, ang pagiging mahangin niya para lang ma-impress ako. Pero alam naman nating lahat na hindi talaga kami pwede. I maybe just someone para maging daan sa taong makakataluyan niya. Pero sino naman yun? “Bye dad, alis na po ako” sabi ko sabay halik sa pisngi ni dad. “Mag-ingat ka anak. Wala pa naman si Andriel para bantayan ka” malungkot na sabi ni dad. Hanggang ngayon, guilty siya dahil hindi niya agad kinlaro na hin

