FRANCINE NAPAHINGA LANG ako nang malalim dahil sa mga nangyayari. Hindi ko pa din maproseso sa utak ko yung mga pangyayari kanina. Siguro nababaliw lang talaga ako dahil sa ginawa ni Axel, pero hindi naman kailangan na ma-shock sa bagay na iyon eh. Napainom na lang ako sa alak na nasa lata habang nakasawsaw ang paa ko sa swimming pool. Masyadong nakakapagod yung mga nangyayari ngayon, gusto ko lang naman mag-enjoy kasi gusto kong makapunta sa lugar na ito pero kung ano-ano naman yung nangyari. “Busy ka?” napatigil ako dahil sa boses na narinig ko sa aking likuran. Napatingin ako at nakita ko si Kevin. Bumalik naman akong muli sa pagtingin sa kawalan habang siya naman ay tumabi sa akin sabay binuksan ang lata ng alak sabay uminom. “Hindi ko alam na mahilig ka pa lang mag-isa,” sam

