Francine MAHIGIT dalawang taon na din simula ng magpakasal kaming dalawa ni Axel, but lahat ng ala-ala ko nung gabing iyon, sariwa pa din sa isip ko. That wedding night that changes my life. Akala ko doon na nagtatapos ang buhay ko, for the money na inutang ko kapalit ng buong buhay at pagkatao ko. “So it’s official, we’re married,” sambit niya sa akin. Napalunok naman ako habang nakatingin sa kaniya ng seryoso. Hindi pa din ako makapaniwala that the man I tried to forget, is now my husband. Akala ko after years passed na wala na kaming dalawa ni Axel, hindi ako makapaniwala na dito pa din ang bagsak namin. “Ano’ng tingin iyan? Ano gusto mo na akong patayin agad para lahat ng ari arian ko eh mapunta na sa ‘yo?” sambit niya. “No hindi lang ako makapaniwala, that you’re serious about

