FRANCINE MATAPOS kumain naisipan kong bumalik sa kuwarto namin, hindi naman ganon ka busy ngayon dahil wala pa namang special events na ginagawa yung grupo at si Troy busy din sa kaniyang ginagawa. Isa pa wala din naman doon si Axel eh, hindi ko alam kung saan siya pumunta, wala ding nakakaalam sa kanila ang sabi lang nila umalis lang daw. Napatingin lang ako sa cellphone ko at tinitignan ko kung meron ba siyang text sa akin. After ng sagutan namin kanina alam ko na merong galit na namuo sa aming dalawa. Ang gusto ko lang maging clear parehas sa amin kung ano ba talaga ang kami. Gusto ko ding ihanda ang sarili ko sa mga posibilidad na mangyayari lalo na yung sinabi ni Sev sa akin, hindi pa din matanggal sa akin yung bagay na iyon. Napatingin ako sa pintuan dahil nakarinig ako ng ma

