FRANCINE
BUMABA kami sa sasakyan at pumasok sa loob ng bahay nila Mama. Palaisipan pa din sa akin ang sinabi ni Axel. That’s from our past pero bakit ako nagkakaroon ng second thoughts. Tama lang naman yung ginawa ko, that’s his life ayaw kong makialam doon. Besides, siya na yung hindi nag-chat sa akin and malalaman ko na actor na siya. Ayaw kong mabahiran yung pangalan niya ng pangalan ko that’s why I left him.
Pero bakit iba yung feeling ko ngayon, why do I feel like meron akong ginawang mali, pakiramdam ko mali yung ginawa kong pag-iwan sa kaniya. Bakit ganito, bakit parang binabalik niya sa akin na ako yung may mali sa aming dalawa?
“Andito na pala kayong dalawa!” masayang salubong sa amin ni Mama. Napangiti naman ako sa kaniya sabay napahalik sa kaniyang pisnge. “Ay nako mukha kang pagod anak, ano’ng nangyari sa ‘yo?” tanong niya sa akin.
Napatingin naman ako kay Axel at napaiwas naman siya ng tingin sa akin, alam niya kung ano yung ibig kong sabihin sa mga tingin na iyon lalo na sa ginawa niya kaninang umaga. “Nako, Axel pinapahirapan mo na naman ba yung misis mo? Hindi ba sabi ko sa ‘yo maghanap ka na lang ng manager at PA mo, hindi yung asawa mo yung pinagtatrabaho mo,” sambit ni Mama sa kaniya.
“That’s what she wants and I only follow her orders about that. Besides ayaw niyang umalis sa tabi ko then pumayag na ako,” sambit niya. Nanlaki naman ang mata ko dahil malayo iyon sa usapan namin ni Axel. Pinagta-trabaho niya ako para naman daw bumalik ang 113 million na hiniram ko sa kaniya.
“Hay nako kahit na, paano kayo magkakaanak niyan kung lagi mong pinagta-trabaho ng mabigat,” sambit niya. Napasamid naman naman ng sarili kong laway dahil sa sinabi ni Mama kaya napaupo ako.
“Nako iha ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. Napatango-tango naman ako habang umuubo.
“Nasamid lang po,” sambit ko.
“Nako tara na doon nag-iintay na ang Papa ninyo,” sambit niya. Hinawakan naman niya ako sa braso ko na para bang ako pa ang tunay niyang anak at inalalayan ako papunta sa dining area.
Kaya kahit na nawala sila Mama at Papa, pakiramdam ko andito pa din sila dahil sa mga magulang ni Axel. Siguro ito na lang din yung magandang nangyari nung nagpakasal kaming dalawa kasi nakahanap ako ulit ng mga magulang sa kanila.
“Kumusta naman ba kayo ni Axel? Ano magkakaanak na ba kayo? Magkakaapo na ba kami?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay Axel at kita ko ang pagkaseryoso nila. Alam kong ayaw niya talaga kahit pilitin pa siya ng mga magulang niya.
“Nako po Ma, hindi pa po namin iniisip iyon eh,” palusot kong sabi. “Kasi masyado din po kaming busy ni Axel, madami pong trabaho and also concert kaya hindi pa pasok sa time.”
“Andito naman kami ng Papa mo pwede naman naming alagaan ang bata.”
“Ma, wala pa sa plano namin ni Cine yung pag-aanak, dadating kami jan. ‘Di ba baby?” tawag niya sa akin na siyang ikinagulat ko.
“Ang sabihin mo mahina ka lang talaga kaya hindi kayo makabuo,” sambit ni Mama sa kaniya. Napatawa naman ako nang mahina dahil sa pagkabigla ko pero hindi ko naman alam na napansin pa pala nila ako.
“Really mahina ako Francine?” tanong niya sa akin.
“Huh, wala akong sanasabi,” sambit ko sa kaniya.
“But you just laugh at what Mom says? So mahina pa pala ako sa lagay mo?” seryoso niyang sabi. Iniwasan ko naman na siya nang tingin dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.
Kung ako lang din naman ang tatanungin saan ang mahina doon? 5 hours straight walang palya?
“Alam ninyo Ma, minsan mag-province ni kayo ni Papa para ma-refresh kayo,” sambit ko sa kanila.
“Hay nako, iniiba mo na naman ang usapan Francine. Pag-isipan ninyo na ang pag-aanak. Hindi sa pine-pressure ko kayong dalawa pero tumatanda na kami. Besides kaya ninyo namang buhayin dahil may mga pera naman kayo kaya alam kong mabibigyan ninyo ng sapat na aruga at buhay hanggang pagtanda niya.
“Mom, don’t worry we will think about it and gagawin agad namin kapag naisip na namin,” sambit ni Axel sa kaniya. Napayuko na lang ako sabay napasarado ng bibig ko.
Parang kanina lang ginawa na din namin iyon, pinainom lang niya ako ng pills.
MATAPOS ang mahabang pag-uusao lalo na din ng tanghalian, umalis na kami ni Axel dahil meron pa siyang shoot.
Habang nasa loob kami ng sasakyan tahimik lang kaming dalawa at para bang nagkakapaan pa kung sinong unang magsasalita.
“Axel, may tanong ako,” sambit ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin habang nagmamaneho siya.
“What is it?” tanong niya sa akin.
“Kasi lagi na lang tayo nilang pinipilit nila Mama na magkaanak. Wala lang feeling ko lang kasi nakaka-guilty na hindi naman nila alam na yung kasal natin eh dahil lang talaga sa utang ko and no love involvement.”
“Ano’ng gusto mong iparating?” tanong niya sa akin.
“Wala lang, lagi kasi nating ginagawa, like what if kung mabuntis ako?” tanong ko sa kaniya.
“But you’re drinking your pills, right?” sambit niya sa akin.
“Yeah, but Axel, wala pa ding kasiguraduhan yung pills like hindi naman siya totally hundred percent sure na hindi na ako mabubuntis. I’m just asking lang naman, na what if mabuntis mo ako?” matapang kong tanong.
“But I don’t want to be a father, hindi ko pa nakikita ang sarili ko na magkakaanak,” sambit niya sa akin.
“Then ano’ng gagawin sa bata if ever may mabuo?” tanong niya sa akin.
“Edi ipalaglag mo, simple.” Napalunok naman ako sabay napatango-tango. Napahinga naman ako sabay napatango-tango.
“So paano sila Mama? Alam ko naman na hindi mo ako gusto, if merong kang natitipuhan na babae just say it to me, okay? Kung nakikita mo siya yung magbibigay sa ‘yo ng magandang buhay sabihin mo lang sa akin para matulungan kitang magkaanak sa kaniya,” sambit ko sa kaniya.
“Binubugaw mo ba ako?” tanong niya sa akin.
“Hindi, I’m just concerned kila Mama, lagi din akong kinukulit and ayaw kong dumating yung point na wala na akong masabing dahilan.”
“But I already said, hindi ko pa nakikita ang sarili ko, hindi ko sinabi na ayaw ko sa ‘yo. Bakit pa ako maghahanap ng iba kong bubuntisin if legally married tayo? It’s just that having a child is not my thing lalo na’t we only share lust kapag nasa kama tayo,” sambit niya sa akin.
“Thanks sa pagsabi ng side mo.” Napatingin naman ako sa labas ng sasakyan niya sabay napahinga ng malalim.
“Ikaw ba gusto mong magkaanak?” tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya ng nakasalubong ang kilay.
“What, bakit mo tinatanong?” tanong ko sa kaniya.
“Wala, I want to know your side. If gusto mong magkaanak… pwede ko namang ibigay,” sambit niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napangiti.
“Wow, how good of you na iisipin mo pa yung kapakanan ko, isa pa sabi mo ayaw mong magkaanak hindi ba? Bakit mo naman ako bibigyan?” natatawa kong tanong sa kaniya.
“Ewan ko, gusto mo ba? If want mo we can settle it, basta huwag mo na lang hanapin sa iba.”
Napalunok naman ako sabay napahinga nang malalim. “Don’t worry wala naman akong balak, baka mamaya makasira pa sa reputation mo iyon besides ikaw na ang nagsabi ayaw mo and ipapalaglag mo din yung bata if ever mabuntis ako. So huwag na lang din,” sambit ko.
Napasandal na lang ako sa upuan at napatingin sa labas ng sasakyan. Hindi ko alam bakit ko tinanong pa yung bagay na iyon. Pero mukhang nasa same tract lang kami ni Axel na ayaw magkaanak.