FRANCINE “Ang aga mo ata gumising?” tanong ni Troy sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabya upo sa upuan. Pinakiramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin habang naririnig ko ang lakas ng alon sa dagat. “Wala good mood lang,” sambit ko sa kaniya. “Nagpa-book ka daw ng another for you? Bakit ano’ng nangyari sa inyo ni Axel?” napatingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya sa akin. Hindi ko naman alam na grabe ang kalat ng balita ngayon, napaka-instant kasi tignan mo ngayon nakarating na agad sa kaniya yung nangyari kahapon. “Ah, wala kasi lasing nga si Axel hindi ba? Panget naman kung andoon din ako so kumuha na lang ako ng new room, besides kaya ko naman bayadan din.” “Ano’ng gusto mong coffee? Idamay na kita sa timpla ko,” sambit niya sa akin. “Kahit black coffee na lan

