FRANCINE NANG makarating na kami sa airport, bumaba na agad kami at sumakay sa van. Inayos ko muna ang mga gamit namin ni Axel sa likod ng van bago kami pumasok sa loob. “Here, tumabi ka na dito,” sambit ni Axel sa akin. “Gusto mo ba ng katabi? Ako na, baka hindi ka nakatulog ng maayos sa airplane kanina hindi ba nahihirapan ka matulog kapag na sa airplane?” sambit ni Camile. Napalunok naman ako dahil hindi ko naman din gusto na makipaglaban pa kay Camile dahil baka magkaroon ng hinala yung mga ka-group ni Axel. “Dito na lang ako,” sambit ko sa kaniya. “Sinabi ko ba na ikaw yung umupo sa tabi ko?” sambit ni Axel kay Camile. Napatingin naman ako sa kaniya at nakita ko ang masamang tingin niya sa akin. “Cams, mainit ata ulo dito ka na lang, hayaan mo na si Francine jan,” sambit

