FRANCINE
NAKARATING na kami sa loob ng venue kung saan siya magpa-practice. Andito na yung ka-band mate niya na pinares siya. Isa siyang solo artist pero, a year ago, napag-isipan ng management na bumuo ng isang band group at isa siya sa napili. As his manager tinanggap ko iyon dahil alam ko naman na babagay siya sa ganon lalo na sa boses niya.
“Bakit kasi kinuha mo pa yung offer na ito?” naiirita niyang sabi.
“Bakit okay naman ah, at least meron ka namang mga kaibigan kahit papaano. To think na nagko-complement yung boses ninyo.”
“Seryoso ka? But the band name, Ecstasy?” napakunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang pag-aapila niya.
“Bakit bagay naman ah, isa pa mas sumikat ka because of your band mates nagkaroon ka ng mas malaking fanbase at teleserye even movies.” Napailing-iling na lang siya sabay napainat-inat.
“Uy Francine, anjan na pala kayo,” masayang bati ni Troy.
“Hi Cine,” sambit ni Kevin. Napangiti naman ako sa kaniya sa pagbati niya.
“Wow, nicknames na pala batian ninyo,” sambit ni Axel. Napatingin naman ako sa kaniya at kita ko ang masama niyang tingin sabay irap nito. Napailing-iling na lang ako sa kaniya sabay napatingin sa kanila.
“Andito na ba lahat? Bakit kayo pa lang dalawa yung nakikita ko?” tanong ko sa kanila.
“Padating na din yung iba,” sambit ni Troy.
“Cine, tara coffee muna tayo,” aya ni Kevin.
“Hey woman, get me some water and pwede ba makahinge din ng back massage sumasakit yung likod ko eh,” seryosong sabi ni Axel. Napatingin naman ako kay Kevin sabay napailing-iling.
“Sorry Sir need ko munang asikasuhin alaga ko eh,” sambit ko sa kaniya. Napahinga naman ako sabay naglakad patungo sa bottled water at kinuha si Axel ng isang tubig.
“Manager mo siya ‘di ba? Bakit mo namang ginawang PA?” tanong ni Troy sa kaniya.
“What’s your prob with that? At least nga madami siyang trabaho, besides malaki naman ang pinapasahod ko sa kaniya, magre-reklamo pa ba siya na siya yung Manager at PA ko?” sambit ni Axel sa akin. Napahinga na lang ako sabay napailing-iling.
Akala naman niya talaga, free nga lang talent fee ko bilang manager niya dahil lahat ng shows niya nakukuha niya yung 100 percent ng kita, hindi ko na siya hinahatian doon. Isa pa yung sahod ko naman hindi ko naman alam kung magkano, binigay niya lang yung bank account sa akin pati ATM mag-withdraw na lang daw ako. Baka nga 1k lang nilagay niya doon eh.
“Hey woman where’s back massage,” sambit niya. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napangiti. Agad naman akong pumwesto sa likuran niya at sinimulan siyang hilutin. Umalis muna sila Troy at Kevin dahil alam nila na sila ang pagbubuntungan ng galit ni Axel kapag nagalit ito.
“I don’t want you to come near at him.” Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
“Huh, ano’ng sinasabi mo?” tanong ko. Agad naman siyang tumingin sa akin habang nakataas ang kaniyang kilay.
“Do you want me to repeat myself? Kita naman sa lalaking iyon na nagugustuhan ka, gustong-gusto mo pang lapitan ka na parang wala kang asawa,” sambit niya sa akin.
“Bakit ano naman kung may gusto siya sa akin? Did you ask me ba if may gusto ako sa kaniya?” tanong ko sa kaniya. “Besides, sa ‘yo pa lang hirap mo ng i-handle gusto mo pa talaga magkaroon ako ng ibang lalaki.”
“I’m serious Francine. I’m your husband and I want your eyes on me, only to me. I don’t want to see you being happy to anyone especially to that bastard guy.” Napatingin lang naman ako sa kaniya dahil sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa lalaking ito pero hindi ko naman kaya na magkaroon pa ng iba. Parang wala na nga sa akin iyon eh.
I don’t know, dahil ba nagugustuhan ko na si Axel? Or dahil dala ng lagi kaming nagse-s*x? Kaya mas nasasanay at mas nahuhulog ako sa kaniya. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko siya mamahalin, I’m just a payment for my debt hanggang doon lang iyon. But now it’s different. Hindi ko alam kung ano pa bang klase ang nararamdaman ko.
“You know the consequences Francine once you make this mess again,” seryoso niyang sabi. Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. Akala mo talaga kung makapagsabi ng ganito, wala ka namang feelings.
“I don’t want someone will use my own property.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Napailing-iling na lang ako dahil sa kabaliwan na sinasabi niya. Ewan ko ba sa lalaking ito kung ano na naman ang nahihithit kaya nagkakaganito eh.
“Axel andito na sila, let’s go need natin mag-start meron ka pang shoot mamaya,” sambit nung pinaka manager nila. Tumayo naman siya sa kaniyang kinauupuan sabay napatingin sa akin.
“Remember what I said woman,” seryoso niyang sabi. Napairap na lang ako sa kaniya sabay napaupo kung saan siya tumayo.
Minsan hindi ko din maintindihan yung kabaliwan nitong lalaking ito eh. Ma-try ko nga minsan yung iniinom nito para masabayan ko yung amats. Ayaw na lang sabihin na ayaw niyang madumi yung iniiyo—ay masyadong panget yung words.
“Grabe closeness ninyo ni Axel ah,” sambit ni Sabrina na siyang PA ni Troy.
“Sinabi mo pa, grabe hindi kami ganyan ni sir Sev kasi baka daw magalit yung girlfriend niya.” sambit ni Mae.
“Malamang may girlfriend nga eh, asa ka naman. Pero wala talaga kayong fling ni sir Axel?” tanong ni Sab. Napalunok lang naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi kasi alam ng mga tao yung relasyon namin ni Axel. Mahirap na baka kapag nilabas namin eh makasira sa career niya kaya hangga’t maaari sa amin lang pati sa pamilya niya yung nakakaalam na kasal kaming dalawa.
“Wala ‘no, ganon lang talaga kami ka-close. Pero minsan nakakabwisit na nga din kaya sarap hindi samahan eh.”
“Alam mo bihira maging ganyan si sir Axel ah, sa ‘yo lang siya ganyan kasi neutral lang siya makitungo sa ibang tao lalo na sa manager nila, pero sa ‘yo ibang-iba,” sambit ni Mae sa akin.
“Baka dahil ako yung nag-a-asikaso ng iba niyang trabaho. Isipin mo habang tulog ‘yang dimuho na iyan eh inaayos ko yung damit niya para sa shoot niya tapos nilalakad ko din yung ibang advertisement na gagawin niya at yung trabaho niya next week.”
“Grabe all in one ka na girl ah, good luck feeling ko taas ng pasahod sa ‘yo ni sir Axel.” Napatawa na lang ako sabay napailing-iling.
“Wala pa nga ata ako sa minimum eh,” natatawa kong sabi.
“Ay bakit kuripot?” tanong niya sa akin. Hindi ko lang masabi sa kanila dahil meron akong utang kay Axel. Masyado naman atang makapal ang mukha ko kung hihingi pa ako ng sahod sa kaniya. Sapat na din itong trabaho na ginagawa ko para kahit papaano mabalik ko sa kaniya yung 113 million. Sa talent fee niya pa lang ngayon sukat ko within 2-3 years, mabubuo ko na yung 113 million niya eh.
“Sakto lang, okay na din iyon, libre naman niya na ako sa pagkain eh so hindi na din ako magre-reklamo,” sambit ko sa kanila. Napatingin na lang ako sa kanila habang nagpa-practice. Hindi ko matanggal ang tingin ko kay Axel kung tutuusin ang galing niya talagang sumayaw eh.
Kung sa talent ibibigay ko na kay Axel iyon, to think nae-embodied niya ang singing, dancing, and acting. Isama mo pa kung paano niya nagagamit ang looks niya para mas lalong makahakot ng fans. Babaero talaga at its finest. But to think, mukha lang siyang babaero but in reality hindi siya ganon. Nung naging kami nung college, never akong nagkaroon ng kahit ano’ng issue sa kaniya. Loyal siya sa akin, but after our break up dahil sa sumuko ako dahil iyon ang start ng pagsikat niya.
Ayaw ng management niya na meron siyang karelasyon, so he tried na itago yung sa amin. Pero patagal nang patagal nahihirapan na ako sa set-up. To think makikita mo siyang may kasamang iba.
Nung una ayaw niyang bumitaw, gusto niya pa ay umalis na lang sa showbiz dahil mayaman na siya bago pa siya maging artista. Pero pangarap niya iyo, so ako na ang bumitaw. But after our break up doon siya nagbago. To think madaming scandals, issue siyang hinaharap dahil sa iba’t ibang babae na kasama niya even actresses na nagiging leading lady niya. Pero dahil gwapo, ang lakas pa din ng tama sa lahat.
But after our marriage, hindi ko na siya nakitang nagkaroon ng ka-fling o kahit ano. Yung issue niya dating madaming ka-date, lumabas sa motel na may kasamang babae nawala lahat. Hindi ko alam kung dahil nire-respeto niya yung kasal namin o baka iniisip niya yung sasabihin ng parents niya dahil alam nila na kasal kaming dalawa.
Pero wala naman akong paki kung gusto niyang mambabae, pakitang tao lang naman yung kasal namin. At tsaka ang hirap din, kapag nag-iinit siya ako na lang lagi, hindi pa siya satisfied sa isang beses. Buti na lang laging busy eh kaya nakakaisang round na lang.
“Cine, pwedeng makahingi ng tubig sa tabi mo?” nagising ako sa iniisip ko at napatingin sa pawis na pawis na si Kevin.
“Vin, tubig? Wait ito oh,” sambit ko sa kaniya. Kinuha ko naman ang bottled water na dala-dala ko at inabot sa kaniya. Pero hindi niya pa nakukuha agad namang kinuha ni Axel iyon.
“Why don’t you get yours there? Merong water dispenser oh,” seryosong sabi ni Axel sabay inom ng tubig.
“Bakit, magkaibigan naman kami ni Cine ah.”
“Friend my ass, why do you want to get close to her? Besides this is mine, all things here is mine even this woman,” sambit niya sabay turo sa akin.
“Chill men, kaibigan naman naming lahat si Francine, masyado ka namang territorial. Hindi naman namin inaangkin,” sambit ni Troy.
“Meron naman kayong mga PA hindi ba? Bakit hindi ninyo kaibiganin mga PA ninyo, tapos biruin ninyo ‘din para hindi kayo maiingit sa ginagawa kong treatment kay Francine,” sambit niya. Napahinga ako nang malalim sabay tumayo sa kinauupuan ko.
“Alam mo ang OA mo,” sambit ko sa kaniya. “Ito tubig sa inyong lahat, ako naman nagbuhat n’yan. Maka sabi ka na all mine hindi ka nga nagbubuhat,” sambit ko sa kaniya. Kinuha naman nila yung tubig na binigay ko.
“Thanks Francine,” sambit nila. Napatingin naman ako kay Axel sabay inirapan ako. Agad naman siyang napaalis at lumabas ng studio habang ako ay sinundan lang siya ng tingin.
“Problema no’n?” natatawang sabi ni sir Troy.
“Hayaan ninyo siya, baka meron lang,” asar ko.