"Ack, Nakakapagod maging studyante pero bawing bawi tayo sa poging professor natin, Ano nga ulit pangalan niya?"
Naglalakad kami ni Ally ngayon papunta sa Field para tumambay, Kakatapos lang ng klase namin sa Professor namin na mala artista ang itsura, Si Mr Ellix.
"Ellix Larken Caddel? Wala pang isang araw nakalimutan mo agad pangalan niya" Ani ko dahilan ng mahinang pagbungisngis ni Ally, Kanina ay habang nasa klase kami ay halata na tulala si Ally, Tulala siya dahil sa itsura ni Sir Ellix, Sobra niya itong pinapantasta.
"Sira, Ang dami kasing sinasabi ni Sir kaya namalimutan ko pero kanina para akong nasa Heaven dahil sa boses ni Sir, Ang ganda parang musika" Kinililig na sabi ni Ally, Kanina niya pa bukang bibig si Sir Ellix at kahit anong bago ko sa usapan ay pinapasok niya parin ang pangalan ni Sir.
"Hmm, Ally Saturday bukas balak kong umuwi kaya baka hindi kita masamahan sa shop" Napatigil sa paglalalad si Ally at dahil nasa unahan na ako ay nilingon ko pa siya, Gayun nalang ang pagkunot ng nuo ko ng makita ang madilim na awra niya na lagi kong nakikita tuwing nababangit ko ang pag-uwi sa bahay ng Ninong ko. "Ally"
"Luana" Malalim na boses na tawag ni Ally sa pangala ko, Lumapit siya sakin at titig na titig siya sa aking mata. "Wala kaba talagang balak iwan ang poder ng Ninong mo? Nag aalala ako tuwing nandun ka pati si Mama at Papa, Tuwing sinasabi ko na uuwi ka ay hindi sila makatulog ng maayos"
Hindi na ako nagulat sa inamin ni Ally, Halos araw araw na ginawa ng diyos ay lagi akong sinabihan nila Tito at Tita na manatili nalang sa kanila, Kaya naman daw nila akong buhayin at kung sa poder daw nila ako mananatili ay hindi na nila kailangan kabahan pero hindi ko tinangap ang gusto nila, Kahit na sinasaktan ako ng Ninong ko ay hindi ko siya kayang iwan.
"Ally, Hindi niyo naman kailangan kabahan—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa pinutol ito ni Ally, Halata na gusto niya talaga akong pigilan.
"Tuwing umuuwi ka lagi kang may pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan mo, Hindi ka ba nadadala? Sinasaktan ka ng Ninong mo na sinasabi mong pamilya" Pasigaw na sabi ni Ally, Ramdam ko na galit na siya kaya himbis na ipaglaban kopa ang gusto ko ay iniba ko nalang ang usapan.
Hating Gabi na pero gising na gising parin ako, Ang dami kong kailangan tapusin na homework at sumasabay pa yung ingay ng kapit-bahay ko, Apartment lang ang tinitirahan ko, Mura lang pero maganda naman, Hindi siya maliit at hindi din siya malaki, Sakto lang.
Habang ginagawa ko ang homework ko ay napatingin ako sa phone ko, Tunog ito ng tunog dahilan para mawala ako focus, Nang tignan ko ang phone ko ay number niya ang nakita ko, Ang number na matagal ko ng kinalimutan.
From: 09*********
"How was my first day of teaching?"
Napabuntong hininga nalang ako ng mabasa ang text ni Ellix, Ni Sir Ellix, Hindi ko na siya ka Boyfriend, Professor kona siya at kahit ayokong makita o makausap siya ay wala akong choice.
I changed his number to his name.
To: Sir Ellix
"Good Evening Sir" Bati ko sa kaniya, Hindi ko sinagot ang tanong niya, Hindi ako guro na alam ang tamang pagtuturo, Student ako na tinuturuan pero kung sasagutin ko ang tanong niya ay masasabi ko na, Magaling siya sa pagtuturo, Kahit ang bilis ng pag sasalita niya ay naiintindihan ko parin ito.
Naghintay pa ako ng ilang minuto para tignan kung ano ang susunod sa sasabihin ni Ellix pero mukhang nakalimutan niya na na may kausap siya, Binaba ko nalang ang phone ko, Nilagay ko ito sa gilid kung saan ito nakalagay kanina.
Alas dose na ng matapos ko lahat ng aking gawain sa School, Hihiga na sana ako para matulog dahil bukas ay kailangan kong bumyahe pauwi ng maaga kaso ng aapak na ako sa kama ay malalakas na katok sa pinto ang gumimbal sakin.
Dahil sa takot ko na baga magnanakaw o r*pist iyon ay kinuha ko ang gunting ko na nasa lamesa, Dahan dahan ay bikusan ko ang pinto, Tutusukin kona sana ang tao na iyon pero napigilan niya ang pagtama, Idinilat ko ang mata ko para tignan kung anong nangyari.
Nanlaki ang aking mata ng makita si Ellix, Amoy ko ang alak sa katawan niya kaya napa-atras ako.
"Ellix, S-sir, Sir Ellix, Anong ginagawa mo dito?" Natataranta na tanong ko, Habang nakatingin ako sa kaniya ay napalunok ako, Nakasuot ng itim na long sleeve polo si Ellix na suot niya din kanina sa school, Ang dalawang butones niyon ay bukas, Umiwas agad ako tingin dahil mukhang napansin niya iyon.
Matagal ko ng kilala si Ellix, High School student ako nung nagtrabaho ako sa bahay niya bilang maid, Nagging malapit kami sa isat-isa dahil nag-iisang maid lang naman ako sa Bahay niya at dahil sa pagiging malapit narin namin sa isat-isa ay nagkaruon kami ng relasyon.
Ang relasyon namin ni Ellix ay nagtagal lang ng isang buwan, Pagtapos nun ay umalis na ako sa Bahay niya ng walang paaalam, Ilang taon kaming hindi nagkita dahil college student na ako at may trabaho narin ako sa shop nila Ally, Naging busy ako dahilan para makalimutan ko siya.
"Why did you leave me that day? I said I'll fix all the trouble, You just have to wait, Is it that hard for you to wait for me?" Naka yuko na sabi niya, Hindi ako makapagsalita, Wala akong maisip na sasabihin, Hindi ko maibuka ang bibig ko, Hindi ko madepensahan ang sarili ko.
"I let you end our relationship because you promised that even if we're done you won't leave, You made me look like a fool, Luana"