"Luana, Gising, Luana gising, Mahuhuli tayo sa klase" Malalakas na tulak ang aking naramdaman dahilan para imulat ko ang aking mata.
Pagmulat ko ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig, Napanaginipan ko na naman siya, Araw araw nalang tuwing matutulog ako ay siya ang laman ng panaginip ko.
"Uh, Sorry" Hingi ko ng tawad kay Ally na takang nakatitig sakin, Kinuha na namin pareho ang bag namin saka lumabas ng Library, Kalat dito sa school ngayon ang bagong professor kaya nakaka exite ang pagpasok ngayon dahil ngayon siya magtuturo.
"Akala ko late na tayo pero mukhang hindi pa, Wala pa si Sir, Puno na yung unahan sa likuran nalang tayo" Hindi na ako humindi sa gusto ni Ally, Lumakad siya papunta sa likod at sumunod naman ako, Maingay ang lahat dahil wala pa si Sir pero himbis na sumabay ako ay nayuko nalang ako habang si Ally naman ay nakikipag-kwentuhan sa mga lalaki na katabi niya.
"Si Sir, Nandyan na" Rinig kong sigaw ni Lisa na nasa unahan, Itiningala kona ang ulo ko para makita ng maayos ang nasa harap, Parang isang malakas na hangin ang pumasok sa room ng umapak ang paa ng lalaki sa sahig ng room.
Hindi kopa makita ang mukha niya dahil sa pagpasok niya ay pumunta agad siya sa gitna saka tumalikod, Sinundan ko ang bawat galaw niya, Ilang saglit lang ay humarap na siya at parang gusto kong tumakbo palabas ng masilayan ang mukha niya.
"Good Morning Class" Pagbati niya saming lahat, Ang kaninang maingay na mga kaklase ko ay tahimik na ngayon.
Everyone stood up including me "Good Morning Sir!!" Maligalig na balik namin sa kaniya, Halata na ang lahat ay interesado sa kaniya na ngayon ay nasa harapan, Ang mga babae sa unahan ay abot tenga ang ngiti, Yung iba pa diyan ay may mga jowa na.
"Okay, sit down so we can start our new lessons" Utos niya, Nagsiupo naman kaming lahat, Mabuti nalang ay nandito ako sa likod, Impossibleng mapansin niya ako.
"P-ta, Wala man lang nagsabi na gwapo pala ang Professor natin, Hindi tuloy ako nakapag-handa" Nakangusong pagrereklamo ni Ally na nasa tabi ko at tutuk na tutuk kay Sir.
"Lahat nalang gwapo sayo" Inis akong nilingon ni Ally, She rolled her eyes, Hindi ko nalang siya pinatulan, Tinuon kona ang akin atensyon kay Ellix na nagtuturo sa gitna.
"Sir, Bakit kayo nagsimula eh hindi pa kayo nagpapakilala, Hindi naman kami mag huhula, Sir" Gulat akong napatingin kay Ally na nasa gilid ko lang, Hindi lang ako halos lahat kami, Ang lakas kasi nang loob niya.
Tumigil sa pagtuturo si Ellix, Natuon ang atensyon niya kay Ally na gustong malaman ang pangalan niya, Sa pagtingin niya kay Ally ay imposibleng hindi niya ako makita, Ang lapit ko kay Ally kaya kung nakatingin siya kay Ally ay makikita niya rin ako.
Nakangising nakatitig siya sa direksyon namin kaya si Ally ay todo ngiti habang ako ay tinatakpan ng palad ko ang buong mukha ko.
"Sorry, Nakalimutan kong magpakilala, I'm Ellix Larken Caddel if you have any plans to talk to me it would be nice if you put Sir or Mr" May pagkahinang pakilala niya, Sa simpleng ngiti ni Ellix ay ang mga babae sa room na ito ay kinikilig na maliban sakin at sa mga lalaki.
"As if namang may plano ka talaga na makipag-usap" Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa kaniya, Kilala ko si Ellix, Ang hirap makipag-usap sa kaniya lalo kung hindi kayo magkakilala para bang may pader na nakaharang sa paligid niya na ang hirap tibagin.
"Ms. Luana Ricafuente, Looks like you're saying something, Why don't you share that with the class" Napaawang ang labi ko ng marinig ang buong pangalan ko na tinawag ni Ellix, Napatingin ako sa lahat at ganun din sila sakin, Hindi ko alam kung nag e expect sila na sabihin ko talaga iyon.
Tumingin ako kay Ally at sinenyasan ko siya gamit ang mata ko. "Uh Sir, Wala pong sinasabi si Luana" Palusot niya, Nagkibit balikat nalang si Ellix saka tumuon ulit sa pagtuturo pero habang nagtuturo siya ay nakangiti na siya hindi tulad kanina.
Tapos na ang klase at papunta na ako sa next class ko, Lahat ay lumabas at ganun din si Ally, Nagmamadali iyon dahil yung next class niya ay ang paborito niya, Hindi yung subject kung hindi yung kaklase niya na nginitian siya.
Nangmaayos kona ang gamit ko ay lumingon ako sa aking likod, Tumaas ang lahat ng akin balahibo ng makita si Ellix duon sa kaba ko ay lumihis ako ng daan pero hinarang niya parin ako.
"Sinasaktan ka parin ba niya?" Tila nag aalala na usisa niya, I crossed my arms and rolled my eyes, Tinitigan ko siya mula ulo hangang paa. "F-ck, just don't stare at me, answer my question"
Bumuntong hininga ako. "Mawalang galang na Sir" May lalim na bangit ko sa Sir. "Hindi niyo na po kaila malaman kung sinasaktan niya ako o hindi"
"Kung ganun sinasaktan ka parin niya—" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng magsalita ako, Madilim ang awra niya habang nakatingin sakin, Galit siya dahil sa hindi ko siya pinatapos ng pagsasalita.
"Ginagawa niya iyon dahil mahal niya ako, Gusto niya na matuto ako sa mga kasalanan ko" Pagtatangol ko sa Ninong ko na halos saktan ako araw araw pero kahit na ganun ay hindi ako nagtanim ng galit sa kaniya, Siya ang pamilya ko, Siya lang.
Hindi na nagsalita na si Ellix pero napansin ko na parang may dinadaing siya na sakit, Sa kaba ko ay inalalayan ko agad siya na maupo sa monoblock, Ibinaba ko muna sa gilid ang bag ko, Kinuha ko ang tumbler ko duon na may laman na tubig para painumin siya.
"May sakit kaba? Gusto mo ba dalhin kita sa clinic? Bakit ka nagturo na ganyan ang kalagayan mo? Pano kung matumba ka habang nagtuturo, Pano kung lalo lang sumakit dahil sa kakagalaw mo" Bulyaw ko sa kaniya.
Mukhang mahuhuli ako sa next class ko dahil kay Ellix, Wala akong galit sa kaniya pero ewan ko ba bakit iwas na iwas ako, Habang umiinom ng tubig si Ellix at ramdam ko na may masakit talaga sa kaniya tanging pag-aalala lang ang kaya kong itulong sa nararamdaman niya dahil wala naman akong alam sa ganito.
"Hmm" Lunok niya sa tubig na bigay ko, Kalahati ng tubig sa tumbler ko ay naubos niya, Tumayo ako at nilagay sa bag ko ang tumbler, Pagharap ko sa kaniya ay bigla akong nawalan ng balanse dahilan nag pagkasubsub ako sa kaniya.
Tatayo na sana ako dahil ang awkward ng posisyon namin kaso naramdaman ko ang pagpalupot ng braso niya sa bewang ko.
"Do you like this position" He chuckled, Sa inis ko ay tumayo agad ako, Kinuha ko ang bag ko sa gilid at dali daling nag-marsha palabas ng room bago pa ako makalabas ay narinig ko pa ang pagpito niya dahilan para lalo akong mainis.
"That jerk, he's really annoying, I want to punch his face"