Ikay's POV "Ikay!" "Woi!" "Ano ba! Inaano ba kita at nambabatok ka riyan!" Inis kong sabi kay Aiza. Akala siguro nito bati kami. Baka nakakalimutan niyang nagsinungaling siya sa akin at may tinatago siyang hindi ko nalalaman? "Hala! Ang init ng ulo nito. Kani-kanina lang eh pangiti-ngiti ka mag-isa r'yan. Nagdududa na ako sayo Ikay ah?" "Pangiti-ngiti?" kunot-noo kong tanong. "Oo teh! Para kang timang na nakadrugs! Umamin ka nga?" "A-anong aaminin ko?" gulat kong tanong. "Come on Ikay umamin ka na." Panunukso niya pa at sumama naman ang tingin ko sa kaniya. "Wait, ako ba talaga ang mayroong dapat aminin Aiza?" Sabi ko habang nakataas pa ang kilay. Tumaas din ang kilay niya sa sinabi ko. Edi pataasan kami! Charrot! "What do you mean?" Tanong niya sa akin na mukhang kinabahan pa.

