Pigil ang ngiti kong tinawagan si Aiza. Ewan, kanina pa hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. Bukod kasi sa hindi pumayag si Nixon ay may mga bonus pa akong natanggap.
Una, nasubsob ako sa cute niyang pwet. Pangalawa ay napasandal ako nang ilang saglit sa dibdib niya. Waaa! Ang dami kong biyaya na natanggap ngayon araw.
Ang saya-saya ko.
[Hello?] Sagot ni Aiza sa kabilang linya.
"Aiza! mission accomplish na!" Tili ko habang kausap siya sa phone.
[Ano?] Taka niyang tanong sa kaya napairap ako.
[Putol-putol ka, Ikay. Wala ka bang signal dyan?] Tanong niya at kumunot naman ang noo ko.
"Teka, maghahanap ako ng signal." sabi ko at bumaba mula sa kama. Lumapit ako sa may bintana at tinanong ulit si Aiza.
"Naririnig mo na ako?" tanong ko sa kaniya.
[Oo! Yan, yan! Ano nga ulit sinasabi mo?]
"Ang sabi ko kanina, napapayag ko na si Nixon! Waaa matutuloy na rin sa wakas yung--"
[Ikay, nawawala na naman signal mo. Where are you ba?] tanong niya kaya inis akong napatingin sa phone ko.
Binuksan ko ang bintana sa harap ko at doon dumungaw. Muli kong inilapat ang telepono sa tainga ko. "Hello, Aiza! Ano? Okay na?"
[Medyo mahina boses mo. Angat mo ng konte cellphone mo sa ere.]
Inangat ko ang kamay ko sa ere at niloud speaker yung phone. "Okay na yan?!" sigaw ko dahil malayo na sa akin yung phone.
[Medyo, kaso parang malayo ka sa phone mo. Ilapit mo bibig mo.]
Hinawi ko yung kurtina sa bintana at umakyat ako. "Aiza? Rinig mo na ako?" tanong kk sa kaniya habang mahigpit na nakahawak sa binta ang isang kamay at ang kabila naman sa cellphone.
[Wala na bang mas igaganda yang signal mo? Where are you ba kasi?] tanong niya.
"Ay bwisit! Itetext ko nalang!" sigaw ko sa kaniya dahil sa inis ko. Taena. Ba't walang signal dito sa kwarto?!
Bumalik ako sa pagkakasalampak sa kama at nakabusangot na itinext kay Aiza ang gusto kong sabihin. Bwisit! Napalitan tuloy yung maganda kong mood kanina. Grr!
Pero OMG! Excited na ako bukas sa practice. Ano kaya ang pwede naming tugtugin? Teka matext nga si Aiza.
From: Aiza
[Ano role mo bukas? Sa guitar ka?] tanong niya.
To: Aiza
[Vocalist hihi] sent
Hoy, wag kayong ano. Maganda boses ko. Hindi naman sa nagmamayabang pero yun talaga ang totoo. Char kapal.
Well, nanalo na ako ng maraming trophies dahil nung elementary at high school ako ay sumasali na ako sa mga pampalakasan. Last year nga nanalo rin ako sa Tarantadong Pinoy sa baranggay namin. Dumami tuloy ang fans ko dahil doon. Pero mas marami parin talagang haters at bashers. Ang laki kasi ng problema nila sa itsura ko. Mga inggeterang frog.
Si Nixon kaya? Ano kayang magiging role niya sa banda bukas? Ano bang talent niya? May talent kaya iyon? Paano kung wala?
Tsk! Hindi mo kasi tinanong kanina Ikay. Ayan tuloy! Paano pala kung walang alam ang isang 'yon sa mga instruments ha? Panibagong problema na naman!
Hayy nako. Nakakastess na.
Wala naman akong number niya para ma text siya at matanong sa gusto niyang role. Wait? f*******: kaya?
Tama!
Buti nalang talaga at may wifi rito sa bahay. Di ko na kailangang mang-hack. Psh.
Alam niyo ba sa real world? Halos mamatay na ako kakahanap ng free wifi malaman lang kung may update na ba ang binabasa kong story sa dreame. Well, so you know, dreame reader po talaga ako. Hanggang madaling araw akong nagbabasa, walang tigil, walang break time tuloy-tuloy talaga 'yan. Kahit yung ihi hindi makakahadlang matapos ko lang ang buong kwento sa isang araw. Pero dahil wala kaming wifi sa bahay umaabot ako sa kabilang baranggay maka connect lang ng libreng wifi.
May libreng wifi sana sa plaza namin doon dati kaso natigil rin siguro, kinapos sa pera yung gobyerno o baka kinorakot yung perang pang wifi sana.
Buti nalang at may kapitbahay kaming may wifi. Kaso ang damot sobra! Ayaw mamigay ng password. Hindi ko rin ma-hack kahit nag download na ako nung PLDT hacker na app. Grabeh talaga, gigil na gigil ako nun. Ilang weeks din akong hindi na updated nun sa mga binabasa ko. Nanghihina ako, nanlalamig at di makagalaw charrot.
Pero anyways, nakahanap naman ako ng paraan. Mwehhehehe.
Pinpastic ko yung 4 years old nilang anak. Kunyare nakipagkaibigan muna ako pero may masama talaga akong balak nun sa internet nila. Gusto kong malaman yung password.
Kaso anak ng teteng! Hindi pa pala marunong magsalita ang batang yun. Bulol bulol pa magsalita kaya hindi kami nagkakaintindihan. Pero dahil desidido talaga akong malaman ang password nila ay naghirap ako at dumaan sa nakakapagod na proseso. Tinuruan kong magsalita ang anak nila.
Naalala ko pa na ang una kong tinuro sa kaniyang salita ay "wifi" tapos kasunod nun ay "password". Halos isang linggo ko ring pinaulit-ulit yun sa kaniya para makabisado niya. Pagkatapos nun ay sinabi ko sa kaniyang sabihin niya iyon sa mama niya.
Tapos isang araw. Sinabi na niya. Imbes tuwa ang maramdaman ko ay sobra akong nainis. Ilang araw akong nagpakahirap turuan ang bulol na batang iyon tapos yung password nila 1234556789?!
Parang gusto kong sugurin bigla ang mga magulang niya at sigawan sila ng "Wala bang mahirap-hirap na password dyan mam-ser?!"
Grabeh nakakagigil pero ayos lang, nawala rin agad yung galit ko nang makitang may update na yung mga kwento. Pero panandalian lang talaga lahat ng saya. After ilang weeks lang nagulat ako di na ako maka-connect. Napansin siguro nila ako na maghapong nakadikit sa pader nila kaya ayun binago nila.
Yung bata naman ayaw na makipag-usap sa akin. Sa tuwing nakikita ako sinasabi niya "Momo" at tatakbo na ito papasok ng bahay.
Ganoon kahirap ang pinagdaanan ko. Tama na nga kwwntuhan. Hahanapin ko pa sss ni Nixon.
Search:[ Nixon Cyrus Nervaza ]
'No results for'Nixon Cyrus Nervaza'
Hala! Bakit wala? Wala ba talagang f*******: ang isang yun? Grabe naman, naiwan ba yun ng kabihasnan?
Tsk! Bukas ko na nga lang itatanong. Inaantok na ako.
Inis kong pinatay ang cellphone ko at mahibing na nahiga.
KINABUKASAN
Nagising ako nang marinig ang sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Inis ko itong kinapa mula sa side table at nang makuha ay nakapikit na sinagot ang tawag.
[Hoy! Nasaan ka na?!] agad akong napabangon nang marinig ang malakas na sigaw ni Aiza mula sa kabilang linya. [Ang tagal mo! Kanina pa kami rito sa bahay! Ikaw nalang ang wala pa rito gaga!]
Nanlaki ang mata ko at tarantang napatingin sa orasan na nasa likod ng pintuan. Shocks! Mag a-alas dyis na!
"Papunt ana ako!" sabi ko kay Aiza at agad na ibinaba ang tawag. Patalon aking umalis sa higaan at dumerecho ng banyo para maghilamos. Wala nang ligo-ligo. Dalawang araw pa lang naman akong di naliligo. Yung nagbabasa nga isang linggo eh. Charrot lang.
Pagkatapos makapagbihis ay agad na akong bumaba. .
"Goodmoring maam." bati ng Maid sa akin nang makasalubong ako sa baba.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagdiretso na palabas. Baka kasi makipag chikahan oa iyon, mas lalo lang akong bubungangaan ni Aiza. Di pa naman ako tumatanggi sa chismisan.
Nakita ko si Manong Richard na naglilinis ng kotse kaya agad ko siyang nilapitan. "Manong Richard, magpapahatid po ako kina Aiza. Okay lang po ba?" Tanong ko at gulat naman siyang napalingon sa akin with matching hawak pa sa dibdib.
"Ay! Oo naman, Maam Franchesca. Bakit naman ako hi-hindi. Takot ko nalang na matanggal." sabi niya at siya lang yung natawa.
Di ko gets.
Slow ba ako o talagang waley lang yung joke ni Manong?
Ilang minuto pa ay hinatid na ako ni Manong Richard kina Aiza. At wow. Hindi ko maiwasang hindi mamangha! Ang laki ng bahay nila. Mas malaki nga lang ng konti yung sa amin. Pero ang ganda ng pagkakadisenyo. Paramg disney castle ang datingan.
"Good morning po Miss Ikay, nasa salas po sila ngayon." nakangiting bungad sa akin ng Maid nina Aiza.
Nginitian ko rin siya at nagpaunang maglakad. Bakit kilala nila ako? Hindi ko naman sila kilala ah?
Pagkapasok ko ng bahay nina Aiza ay agad kong nakita silang lahat sa sala at may hawak na kanya-kanyang instrumento. Napangiti pa ako ng makitang may hawak na gitara si Nixon.
Yieee~ marunong siyang maggitara? Hihihi ang lakas talagang makagwapo ng mga lalaking marunong maggitara.
"Oh! Ikay!" Bati ni Reyden sa akin at nginitian ko lang siya.
"Sorry, late ako." Napapahiya kong sabi sa kanila.
"Psh! Hindi lang late. Super late!" Sabi ni Aiza at napairap pa sa akin.
"Sorry na nga diba! " singhal ko. Ang babaeng 'to ginigigil niya talaga ako.
"Oh! Nandito na nga pala yung isa pa nating miyembro, si Kyle." Pakilala ni Aiza dun sa lalaking payat na cute. Ang ganda ng mga mata niya.
"Hi Kyle." Masayang bati ko with matching kaway saka sinulyapan si Nixon na hindi man lang ako nililingon. Psh!
"Hi." Nahihiya pang bati ni Kyle.
Umupo ako sa tabi ni Reyden.
"So ano? May kanta na ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Syempre naman." Nakangiting sabi ni Reyden at ginantihan ko naman iyon ng pacute na ngiti sabay sulyap na naman kay Nixon na busy sa cellphone niya.
Nu ba Nixon. Tignan mo naman ako saglit. Sayang yung magandang outfit ko. Naka dress oa naman ako para sayo tas di mo lang pala ako titignan. My ghad!
"So ano? Practice na tayo?" Excited kong sabi sa kanila.
"Let's go guys." Sabi ni Aiza at nag guide sa amin papunta sa music room nila.
Tiningnan ko ulit si Nixon na busy pa rin sa pagtetext.
"Hoi!" Sigaw ko sa kaniya at kunot-noo naman niya akong nilingon. "Nandoon na sila sa music room." Dagdag ko pa sabay nguso sa dinaanan nina Aiza.
Sinulyapan niya ulit ang cellphone niya sabay tingin sa akin.
"Susunod ako. May tatawagan lang ako." Sabi niya at pumuntang veranda.
Grr! Bahala ka nga sa buhay mo.
Sumunod nalang ako sa kanila sa music room at pinabayaan roon si Nioxn mag-asa. Naabutan ko silang nagtatawanan at nag-aasaran.
"Anong meron?" Tanong ko sabay lapit doon sa kulay gintong gitara na nakapatong sa mesa.
Waaa! Ang ganda.
"Ikay, may second vocalist ka na." Natatawang sabi ni Kyle at mabilis naman akong napalingon sa kanila.
"Ha? Sino?" Masaya kong tanong.
"Si Reyden." Sabi ni Kyle at bumulalas ito ng tawa.
Agad akong napatingin kay Reyden na halatang nahihiya.
"Seryoso?" Paniniguro ko pa.
Hindi ko alam na marunong palang kumanta si Reyden.
"Psh! Ilang months na tayo hindi mo man lang ako sinabihan." Nagtatampo kunyaring sabi ni Aiza sa boyfriend. "Hindi ka man lang nangharana kaya akala ko panget ang boses mo! Che! Wag na wag mo na akong susunduin simula bukas!" maarte pang dagdag nito.
Napairap nalang ako sa kawalan. Ang OA naman nitong si Aiza. Sarap batukan!
"Babe naman. Eh nahihiya ako sa'yo eh." Sabi ni Reyden.
Confirmed nga! Marunong ngang kumanta si Reyden.
"Waaa! Parinig naman Reyden." Sabi ko pa at lumapit sa kanila.
"Mamaya na." Sabi niya na animo'y nahihiya parin.
Ano bang nakakahiya dun ha? Hmp! Bagay nga sila ni Aiza. Ang O-OA sobra! Psh!
Natigil lang ang pagtatawanan namin ng pumasok si Nixon na nakabusangot ang mukha.
"Okay so eto, ako sa drums, si Kyle sa Bass, si Ikay ang vocalist, si Reyden ang second vocalist , then ikaw Nixon ang guitarist. Okay ba?" Sabi ni Aiza at tumango naman kami maliban kay Nixon na mukhang malalim ang iniisip.
Pumwesto na kami sa kanya-kanyang pwesto para simulan ang practice.
Walang imikan ang practice. Lahat seryoso para sa gaganaping contest bukas maliban pa kay Nixon na mukhang wala talaga sa sarili.
Kanina pa kami paulit-ulit ng dahil sa kanya. Lagi kasi siyang hindi nakakasabay kaya nasisintunado kami ni Reyden.
Wala sa tono ang pag strum niya ng gitara.
May problema ba siya?
Lalapitan ko sana si Nixon para tanungin ang problema niya kaso pinigilan ako ni Reyden at pabayaan ko nalang daw muna.
Kahit naiinis na ako kay Nixon at parang kahit anong oras ay mapapatay ko siya sa ginagawa niya ay pinigilan ko nalang ang sarili ko.
Ghad Nixon. Umayos ka naman. Wala nang ibang oras!