~(CHANTAL LANE SY POV) Ilang araw, buwan pa ang lumipas at mas nagiging komportable ako sa presence ni Gabe. Nasasanay ako na lagi siyang nand'yan when I knew I shouldn't get used to him. Hindi ko maiwasang matakot. Pakiramdam ko ay ngayon pa lang ay sumusugal na ako. I hated to gamble. Siguro nga tama si Hailey. Baka nga kainin ko lahat ng sinabi ko tungkol kay Gabe noon. Magdadalawang taon ko na siyang kilala at magdadalawang taon na rin mula nang ma-realize kong mali ako tungkol sa kanya. It was like kami... pero hindi. Habang tumatagal, lalong tumitindi ang nararamdaman ko. Lalong dumarami ang paruparo sa tiyan ko. Hinahatid, sinusundo niya ako. He never failed to give me flowers and foods. Pakiramdam ko nga ay tataas na talaga ang chance na tumaba ako. Halos lahat ng kainan mal