After few days of thinking and weighing things, she finally made a decision. And that decision is to leave them. Siguro naman ay hindi siya hahanapin ng mga ito kung magbibigay siya ng rason para makumbinsi ang mga ito. Buong gabi niyang inayos ang mga gamit na dadalhin niya. She brought a lot of cash. Pinaghandaan niya na iyon kaya paunti-unti na siyang nagwithdraw nang mga nakaraang araw. She cannot use her cards dahil madali siyang matutunton ng mga ito pag ginamit niya iyon. Nag-iwan lang siya ng maikling sulat sa kwarto niya bago sekretong umalis nang madaling araw. Wala pa siyang naisip na lugar na pupuntahan kaya dumiretso nalang siya sa bus terminal at bahala na kung saan siya dalhin ng mga paa niya. “Pampanga!” “Batangas!” “Bicol!” “Tarlac!” Halos magkakapanabay na sigaw n

