“What is it?!” Hindi na niya naitago ang inis na tanong sa imbestigador pagkasagot sa tawag nito. Damn! Ano ba ang ginagawa ni Claire sa resort ng lalaking iyon?! “Lumabas si Ms. Reyes kanina. Don’t be surprised…pumunta siya sa isang Ob-gyne.” “What?!” sigaw na tanong niya rito. “I said—” “I heard you, damn it! What I want to know is what was she doing there?!” “Ahm. She’s pregnant.” Tila bigla siyang nabingi at namanhid pagkarinig sa sinabi ng nasa kabilang linya. Buntis si Claire?? Sino ang ama? Si Alejandro ba? Ngunit bakit umalis si Claire kung gayon? Si Justin? Tila walang lakas na muli siyang napaupo sa swivel chair niya. “Sir, tumawag po si—” biglang nagsalita ang secretary nya na naka silip na pala sa pinto. Ni hindi niya ito narinig na kumatok. “Get out.”

