Pitong buwan na ang ipinagbubuntis ni Claire at sa mga nakalipas na linggo ay naging masaya at tahimik ang buhay nila ni Kent. Umaalis lang ito para pumasok sa opisina ngunit agad ring bumabalik pagkatapos ng trabaho, madalas pa nga ay umuuwi ito ng tanghali para lang masiguradong ok siya. Lumalabas lang siya pag may check up sa OB niya at kung minsan ay para mamili ng ilang gamit para sa baby nila. They are expecting a baby boy kaya lalong naeexcite si Kent sa panganganak niya. She can notice him thinking deeply at times ngunit minabuti nalang niyang wag nang masyadong magtanong. She trusts Kent. Alam niyang para sa ikabubuti nilang tatlo ang iniisip nito. It was early afternoon, nanunuod siya ng palabas sa TV nang biglang may mag doorbell. Napakunot-noo siya at nagtatakang napa

