“Hindi nga namin alam. Matagal na kasi siyang hindi pumapasok. Akala nga namin pati ikaw magda-drop out na rin, kasi hindi ka rin pumapasok. May nagsabi pa nga na baka nagtanan na kayo.” “What? Paano mangyayari ’yon?” napakunot ang noo niya. “Ang laki ng problema ko sa pamilya—nasa ospital si Daddy. Paano ako makikipagtanan? Isa pa, may kailangan pa akong linawin sa kanya. May kasalanan siya sa akin.” “Okay… kaya pala. Noong nakita ka naming pumasok ulit, nawala na ’yong tsismis na nagtanan kayo.” “Ano ba kasi talaga ang nangyari?” “Nasa ospital si Daddy ko. Siyempre, kailangan ko siyang alagaan,” sagot niya, pilit pinapakalma ang sarili. “Ah, ganun pala. Anyway, balik tayo doon sa humalik sa’yo. Sino ba ’yon? Mukhang galit na galit ka.” “Never mind…” umiwas siya ng tingin. “Kalimuta

