Nag-iisa ang dalaga sa bar, naglalasing. Gusto niyang kalimutan yung nangyaring aksidente. Simula noon, hindi na siya makatulog nang diretso, lagi na siyang binabangungot. Pati pagiging magugulatin niya, dumalas. Kahit saan siya lumingon, ang nakikita niya yung mukha ng taong nabangga niya, yung nagmamakaawa at naliligo sa sariling dugo. Wala siyang kasalanan, promise! Isang linggo na rin ang nakalipas. Walang balita kung buhay pa ba yung matanda. Tapos si Cyrus, hindi niya makausap! Laging busy daw, assistant lang ang sumasagot. Kainis! "Uy, girl, napanood ko sa TV, sobrang walang puso daw nung bumangga dun sa Lolo. Hindi man lang daw nagpakita, iniwan lang sa hospital tapos wala na," narinig niyang sabi ng dalawang babaeng sosyal na kararating lang. Naki-chismis tuloy siya. "Excuse me

