Chapter 1: Cira

2024 Words
(Four years ago...) Third Person's POV "Where the hell have you been, Cira Kaye Hennessy?!" Mabilis na napakislot ang dalaga sa pagkakatingkayad niya papasok ng kanilang mansion. Dahan-dahan siyang naglalakad upang hindi siya mapansin ng kaniyang ama. Alas-tres na kase ng madaling araw, panigurado na magagalit ng todo ang kaniyang ama kapag siya ay nakita kaya pagkauwi niya ay dahan-dahan ang bawat pagkilos niya. Bawat galaw niya ay pino at pulido para hindi siya mapansin. Ngunit sadyang nasa likuran niya talaga ang kamalasan dahil nasa sofa at prenteng nakaupo ang kaniyang ama at matalim na nakatitig sa kaniya. She awkwardly laugh as soon as she heard her father's voice, she stilled when their eyes met. Dahan-dahan niyang ikinaway ang kamay upang mag-hi sa kaniyang ama. "Hi, Dad... Hehe." Hindi sumagot ang kaniyang ama ngunit hindi nito inalis ang pagkakatingin sa kaniya na tila mo ay pinag-aaralan siyang mabuti. Hindi makagalaw ang dalaga, pakiramdam niya kase ay kapag gumalaw siya ay mas lalong uminit ang ulo ng kaniyang ama. "Answer my goddamn question, Cira. Or else..." Madiing napakagat-labi ang dalaga sa narinig. "D-dad..." "What time is it?" Seryosong-seryoso ang tinig ng kaniyang ama at mula sa pagkakatitig niya sa mukha nito ay walang bahid na kahit anong pagbibiro kung kaya't nakaramdam siya ng kaunting kaba. Naglalaro sa isipan niya na pilosopohin pa ang ama ngunit kaagad ring napawi iyon nang matitigan niya ang hitsura ng kaniyang ama. "Three in the morning..." "Oras ba ng pag-uwi ng isang matinong babae iyan?" Hindi siya sumagot bagkus ay napatitig lamang siya sa kaniyang ama. Dahan-dahan itong tumayo at naglakad palapit sa kaniya. "Cira, you're already twenty years old. And yet, napakapasaway mo pa rin hanggang ngayon, napakatigas ng ulo mo. Kailanman ay hindi ka sumunod sa mga ipinag-uutos ko." "D-dad..." "Kailan mo balak tumino?" Hindi siya makakuha ng kahit anong salita sa sasambitin, hindi niya kase alam kung ano ang marapat na isagot sa kaniyang ama dahil sa tama ang bawat pinapahayag nito. Malalim na napabuntong hininga ang kaniyang ama, saka naglakad sa gilid niya, bago niya ito lampasan ay dahan-dahan nitong pinatong ang kamay sa kaliwang balikat niya saka mahina iyong tinapik saka bumulong sa kaniya. "Baka sakaling tumino ka kapag naikasal ka na." nakangising saad ng kaniyang ama bago siya nito lampasan. Ngunit bago pa man ito makalampas ay mabilis niyang nakuha ang ibig sabihin nito kasabay niyon ang panlalaki ng kaniyang mga mata at saka hindi makapaniwalang napalingon sa kaniyang ama na ngayon ay nasa likuran niya. "What?!" Hindi sumagot ang kaniyang ama at nanatiling nakatalikod sa kaniya hindi napigilan ng dalaga ang mapasinghal ng malakas sa binitawang salita ng kaniyang ama. "Dad! What do you mean by that?" "Maliwanag mong narinig ang aking sinambit." "What?! No! You can't just arrange marriage for me!" "Yes, I can. Young lady. Tone down your voice. Everyone are sleeping." "No! Dad! f**k it! All my life, ikaw nagdedesisyon para sa akin! I'm grown up now!" "No. you're not grown up yet. That's why I need you to marry for you to get mature." Muli ay malakas na napasinghal ang dalaga at saka malakas na napatawa na para bang iyon ang pinaka-nakakatawang narinig niya sa tanan ng buhay niya tuloy ay masama itong napatitig sa kaniya. Balak na sana niyang magsalita ng maunahan siya ng dalaga. "Pfft! Dad you know how to joke now?" pabirong sambit ng dalaga. Matapos ay napatitig siya dito,hindi siya makapaniwala sa mga tinuturan ng kaniyang ama. Para sa kaniya ay isang malaking kalokohan ang sinasabi nito. Nagkalad na ito palayo, senyales na tapos na ang usapan nilang dalawa, ngunit hindi na napigilan ng dalaga ang kaniyang emosiyon. "Why, Dad? Do you even know a thing about me?" Sa sinambit ng dalaga ay napatigil sa paglalakad palayo ang kaniyang ama at saka dahan-dahan siyang tumingin sa direksyon ng kaniyang anak. Nagtama ang kanilang mga mata kasabay no'n ang pagtulo ng luha sa mga mata ng dalaga. "Ni minsan na lumipas na mahahalagang araw sa buhay ko, wala kayo. Palagi kayong busy ni mommy. Work, work, work, f**k that work! Wala na kayong oras magpakamagulang sa akin! Tangina, kung may kapatid lang sana ako e, kaso putek! Nag-iisang anak niyo lang ako! Napakalungkot dito mag-isa!" Hindi makasagot ang kaniyang ama, sa ilang taon ay ngayon lang naglabas ng sama ng loob ang kaniyang anak. Ngayon lang ito nagsalita ng ganoon. "And you're expecting me to be kind and obedient? Do you even deserve that kind of daughter?" Sa sinambit niya ay hindi napigilan ng kaniyang ama ang mabilis na paghakbang palapit sa kaniya at saka mabilis siyang nasampal sa pisnge. Hindi niya napigilan ang mapasinghap sa ginawa ng kaniyang ama. Maging ang kaniyang ama ay gulat na gulat sa nagawa. "I-I'm sorry--" Mabilis niyang itinaas ang kaniyang mga kamay tanda na ayaw niyang marinig ang mga paliwanag ng kaniyang ama. "I'm done with all of your shits, Dad. I won't sit back and let you control me again. No, not again. I'm a woman now. I'm not a girl anymore and will let you dictate my life again. Dalawampu't taon ng buhay ko ang nasayang ko kakasunod sa mga peste niyong utos, anong napala ko? Ni minsan hindi ako naging masaya sa bawat utos niyo pero dahil magulang ko kayo sinusunod ko kayo. But that's enough Dad. I'm tired with your shits." Mahabang lintaya niya saka mabilis na naglakad paakyat sa hagdan papunta sa kaniyang silid. "Where the f**k are you going, Cira! Hindi pa tayo tapos mag-usap!" Hindi niya pinansin ang kaniyang ama bagkus ay nagdire-diretso siya sa paghakbang sa bawat bahagdan ng hagdan. Walang emosiyon ang mababakas sa kaniyang mukha. Ngunit hindi iyon naging hadlang para tumulo ang nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata. "Cira! Bumalik ka dito! O baka gusto mong palayasin kita?!" Saglit siyang natigilan sa ginawang paghakbang at saka ay mahinang napatawa, ang totoo ay kanina pa niya iyan hinihintay na sabihin ng kaniyang ama. Palihim siyang ngumisi at saka humarap sa kaniyang ama kasabay ng pagharap niya sa kaniyang ama ay ang pagkawala muli ng emosiyon sa kaniyang mukha. "You don't need to say that. Kaya kong umalis ng kusa." "Aba't!" Hindi niya na muling pinansin ang kaniyang ama at hinayaan na sumigaw sa ibaba basta ang gusto niya ay makapasok na sa kaniyang silid at saka mabilis na nag-empake ng mga damit. Matagal niya ng balak ito, ang makaalis sa impyernong ito. Now, she has a reason to leave. Balak na naman siyang diktahan at kontrolin ng kaniyang ama. She's tired of it. Kaya naman ngayon ay naglalakas loob siya. Balak niyang tumayo sa kaniyang mga sariling paa, without their support. Masaya siyang nagliligpit ng kaniyang mga gamit ng bigla ay pumasok ang kaniyang ina sa kaniyang silid. "A-anak..." Paos ang tinig nitong sambit, natigilan siya sa ginagawa at saka dahan-dahan na napalingon sa kaniyang ina. "Mom..." "What are these?" "Mom..." "Is it true? I-Iiwan mo na ba kami anak?" "M-mom..." Wala siyang mahinuha na dapat sabihin kung kaya't malalim na lamang siyang napabuntong hininga at saka lumapit sa kaniyang ina. Mabilis niya iyong niyakap ng mahigpit. Mariin pa siyang napapikit, simula't sapol ay wala silang kapangyarihan humindi sa kanilang ama. Dahil sa pamilya nila, batas ang kaniyang ama. Lagi itong nasusunod, kaya bata pa lamang siya ay naramdaman niya na ang hirap sa pagsunod sa mga bagay lalo na at kung hindi naman iyon ang pas'ya ng iyong puso. Naging robot siya na sunod-sunuran sa bawat magiging utos ng kaniyang ama at ngayon na malaki na siya, nakahanda siyang tanggapin ang kahit na anumang parusa ng kaniyang ama basta ang tanging hiling niya lamang sa ngayon ay nais niyang mamuhay mag-isa ng hindi umaasa sa pera ng kaniyang mga magulang. Nais niyang matutuhan kung paano maka-survive araw-araw sa mga gastusin. Nabalik siya sa wisyo nang marinig niya ang hikbi ng kaniyang ina. "Mom..." Sandali siyang humiwalay sa pagkakayakap sa ina saka maluha-luhang napatitig rito. "A-anak..." "Mom, I need to do this for myself. Gusto kong matuto, I wanted to discover, explore new things and different things that can help me to become a better person." "B-but--" "Mom, I'm tired with Dad. Pagod na po akong magsunod-sunuran. Hindi ko na kayang sumunod sa kaniya lalo't hindi naman iyon ang pas'ya ng aking puso. I'm not like you, hindi ko kaya Mom..." "C-Cira..." "Wala akong pakielam kung itakwil ako ni Daddy. All I want to do now is to chase my dreams. to do, whatever I think that would make me happy. Pagod na akong tumakas gaya ngayon. Tapos ipapakasal pa ako ni Daddy sa hindi ko kilala? No hell way! Hindi ko hawak 'yung buhay ko noong mga nakaraang taon, ngunit hindi ako papayag na sa mga susunod ay hindi pa rin ako ang may kontrol ng buhay ko. This is my life and I will control it the way I like it to be." Buo ang loob na sambit ng dalaga, maluha-luha man na napatitig ang kaniyang ina sa kaniya ngunit proud ito sa kaniyang anak. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisnge ng kaniyang anak, saka malungkot na ngumiti. "I am proud of you." Mahinang sambit nito, kasabay ng pagkarinig nila ng mabibigat na yabag ng paa ng kaniyang ama. Nagkatingin silang mag-ina na wari mo ay sa pamamagitan niyon ay nag-uusap sila. "Go. Ako na ang bahala sa ama mo. Don't forget to contact me, you're my only baby... Cira." Matipid na ngumiti ang dalaga at saka mabilis na yumakap at humalik sa pisnge ng kaniyang ina.. "Thanks, Mom." Ngumiti lamang ang kaniyang ina sa kaniya saka kumaway sa kaniya kasabay niyon ang pagtalon niya sa bintana. Kasabay naman ng pagtalon niya ay ang nagmamadaling pumasok ang kaniyang ama sa kanilang silid. "Where's our daughter?!" Lumambot ang mukha ng kaniyang asawa at saka sinimulan ang pag-acting. "Honey... She's gone..." Kunwari ay nalulungkot nitong saad, dahilan para lampasan siya ng asawa at napasilip sa bintana ngunit pagsilip niya ay hindi niya na nakita pa ang anak. Nanggigigil siyang napakuyom ng kamao. "Siya ang umalis sa pamamahay na ito. At wala na siyang babalikan pa. Tinatanggalan ko na siya ng karapatan bilang tagapagmana ng ating pamilya." "Honey..." "And you will not say anything! She keep disobeying me. She loves wrecking havoc everywhere. Palagi na lamang nasa gitna ng gulo at kapahamakan. Babae ba talaga iyang anak mo?" Napailing na lamang ang kaniyang asawa, samantala napabuntong hininga ang babae. Walang salita na lumabas ng silid ang kaniyang asawa habang siya naman ay nanghihinang napaupo sa kama ng kaniyang anak. Cira will lose everything. Everything that she sacrificed for. Malalim na lamang siyang napabuntong hininga at saka napatitig sa bintana kung saan lumabas ang kaniyang anak. Paano nga ba ito nakababa roon? Bukod sa nasa ikalimang palapag sila ay walang hagdan roon o kahit na anong tali. Indeed, her daughter is extraordinary. She's not normal. And she's cool. She's great as who she is now and she knows that she'll become greater than this. Samantala ay mabilis na tumatakbo ang dalaga palayo sa mansion nila, pagod na pagod na siya kakatakbo ngunit hindi siya nakakaramdam man lang ng pagod. She's excited as she run faster. Kahit na pagod ay hindi mapuknit-puknit ang mga ngiti niya sa labi. Pakiramdam niya ay nakawala siya sa isang kulungan. "Yes! I'm finally free!" Nakangiti pa niyang sambit, tuloy ay tinitigan siya ng mga tao na para bang siya ay nababaliw na kung kaya't napatigil siya sa ginagawa ngunit hindi napalis mga ngiti sa labi. Nagpatuloy siya sa paglalakad kahit na ang totoo ay hindi na niya alam kung saan siya patungo. Basta ang nasa isipan niya ay nakaalis siya sa kanilang mansion na matagal na niyang pinaplano kung kaya't madali para sa kaniya ang makaalis kanina sa kanilang mansion. Nasa ganoong pag iisip siya nang sandali siyang matigilan. "Ay s**t! I forget to bring my wallet! Paano na ako nito?! f**k!" Hindi napigilan na sigaw niya sa gitna ng maraming tao, kaya muli sa pangalawang pagkakataon ay napatitig sa kaniya ang mga tao. "Hehehe..." Kasabay ng awkward na pagtawa niya ay ang pagkayuko niya at pagkalukot ng kaniyang mga mukha. "Damn it!" To be continued.... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD