"ANO naman kayang susuotin ko nito?" Naiinis na binalandra ng dalaga ang mga dress sa ibabaw ng papag. Iilan lang kasi ang dinala niya para may maisuot lang siya sa mga ganitong occasion. Hindi siya pwedeng magpatalo sa Cath na 'yon. Naghalukipkip pa siya kung ano ba ang magandang suotin, tumuon ang mata niya sa isang itim na dress na may slit sa gilid. Naalala niyang sinuot niya 'yon noong magkaroon ng welcome party. It was disaster, very common kasi 'yon at talagang trending kaya nagkaroon siya ng mga kaparehang suot. "Honey baba kana doon." Napabaling siya sa pinto ng bumukas 'yon. Nakita niya si Levi na nakatapis ng tuwalya ang kalahati ng katawan at basa ang buhok. "Oh? Maligo kana don." sambit nito, napanguso lang siya. "Anong susuotin ko Levi?" tanong niya sa bin

