HANGGANG ngayon ay walang balak na pansinin ni Maggie si Levi. Mas nangunguna sakanya ang pride na umiirap lalo pa at laging nasa lugar nila si Cath na wala na atang ginawa kung hindi ang bumuntot sa binata. Kahit na sa ultimo pagtatrabaho nito ay para itong batang hindi maiwan. She want to confront her lalo pa at girlfriend siya ni Levi ngunit pinapangunahan siya ng kaba sa dibdib lalo pa sa tuwing naalala niya na mas kilala pa nito ang binata kaysa sakanya. Sa bagay na iyon ay napupuno ng bigat ang dibdib niya, paano nga ba naman na nahulog siya dito ni kahit isa wala siyang alam sa tunay na pagkatao nito? "Levi here's your towel oh!" malawak ang ngiting abot ni Cath sa nobyo niya, kunwari ay abala siya sa pag-aasikaso ng kamoteng kahoy sa pinggan. Nakita niyang nagpatuloy lang sa gina

