Dred's POV
"Puny*ta naman.... Ano na namang ano ng gobyerno? Bakit ano 'to?" Galit na sigaw ni Captain, kay General Ramos. Nalulukot na ang hawak niyang papel.
Tahimik lang si General. Habang kami nasa likod lang ni Captain.
"Putang*na ano 'to? Bakit kailangan may sabihing iba? Bakit kailangan na hindi imbistigahan ang kaso? Bakit kailangan ilipat sa mga pulis?!" Galit na galit na sabi ni Captain.
"That's an order from--"
"PUT*NG*NA NA ORDER 'Y--"
"I AM YOUR GENERAL SO DON'T ACT LIKE THAT IN FRONT OF ME!" natahimik si Captain sa biglaang sigaw ng General. "HUWAG MONG IDAMAY ANG PERSONAL MONG ISSUE SA m******e, MAGKA-IBA SILA AT ANG TRABAHO MO." kinuyom ni Captain ang kamao niya.
"Wala akong pake sa gobyernong sinusunod mo. 'Yang presidenteng sinasamba mo. Mali daan ang nilalakaran, General." Matapang na sabi niya.
"Captain Ramos huwag mong antayin na tanggalin kita sa serbisyo"
"At hindi ako takot" umalis si Captain sa opisina ni General Ramos. Sumaludo muna kami kay General bago umalis.
Hindi namin naabutan si Captain.
Inutos kasi kay General Ramos na huwag na namin imbistigahan ulit ang kaso at ililipat ang kaso sa mga pulis.
Hindi naman daw terorista ang may gawa, kaya inilipat sa mga pulis.
"Alam mo tang*na talaga nung sa may m******e na 'yan" napa-lingon ako kay Sparta. Nag-simula na kaming mag-lakad na apat.
"Tang*namo din daw sabi nung m******e" pang-aasar ko.
"Iniisip ko lang bakit kaya ganuon?"
"Wow grabe. Ang lalim nung iniisip mo" si Alas. Natawa naman kami ni Viper.
"Iniisip ko lang bakit ka kaya nag-iisip e wala ka namang isip?" Ako.
"Salute" bigla kaming napa-hinto at sumaludo nang makita namin si 1st lieutenant Army Doctor Rizel Llorin.
Hindi naman sumaludo sa kaniya si Alas na hindi naman binigyan pansin ni Llorin.
"Kamusta doc?" Si Spartha.
"Mauuna na'ko. Long time no see, doc" si Viper at naglakad palayo.
"Nasaan si Agila?" Tanong ni Llorin. Codename ni Captain. Walang sumagot. "Ah I see" yun lang sinabi niya. "Okay thank--"
"Kumain ka na?" Tanong ni Alas. Jusko po.
"Oo" sagot lang ni Llorin at nilagpasan na kami. Nauna na din mag-lakad palayo si Alas kaya naiwan kami ni Sparta.
"Broken na naman si gag*" panimula ni Spartha.
"Ikaw nga kaibigan lang turing niya sa'yo"
"Ayos lang atleast hindi reporter. Iwas sa issue"
"Ano ka artista? At kailangan iisue?"
"Luh ang tang* mo, Pepe. Si Rizal matalino eh ikaw? Hindi ko alam saan napunta utak mo"
"Ul*lolo mo panot"
"Tang*? Hindi ako artista, mukang pang-artista lang. Baka nga matalo pa namin ni Sheng ang pinaka-sikat na loveteam sa buong mundo"
"Asa ka"
"Sige nga kung matapang ka tanong mo kay Roanne kung panget ako. Kapag sinabi niyang pogi ako, iiwan mo siya" pinakyu ko siya.
"Pero pag sinabi niyang panget ka. Papakamatay ka?"
"Hindi na uy, baka biglang malugi ang mga Ramos"
"Hu? Bakit?"
"Si Sheng CEO. Pag-namatay ako susunod sa akin yun"
"Tang* baka wala pang isang araw na patay ka, may nahanap na yung iba"
**
Roanne's POV
"Ano? Seryoso ba? Nilipat yung kaso sa mga pulis?" Gulat na tanong ko kay Jevi.
"Oo, gulat nga din ako" napaupo ako sa upuan. "Naaawa ako sayo" napa-tingin ako sa kaniya.
"Why?" Tanong ko.
"Hindi ka na ganado, wala nang harot" i rolled my eyes.
"Pero bakit?"
"Anong bakit? Mga pulis na akitin mo ha. Huwag na sundalo"
"I am dead serious, Jevi"
"Hindi daw kasi terorista ang may gawa kaya nilipat sa pulis"
Yun lang dahilan? Ano ba kasing meron sa RMALL. Nakakainis.
Mabilis na tinawagan ko si Dred pero hindi sumasagot.
"Huwag mo muna siyang tawagan, sa tingin ko dapat pumunta muna tayo sa mga pulis na humawak na sa kaso" napilitang tumango ako pero ang totoo hindi ko alam mararamdaman ko.
Pumunta kami sa Camp Crame para kausapin yung mga pulis.
Humingi kami ng pahayag sa mga pulis na humawak ng kaso ngayon. Kaso tumanggi sila at inimbitahan kami sa press conference na gaganapin sa isang linggo kaya bumalik kami sa CST station.
Nag-cr naman si Jevi kaya naiwan ako. Napa-daan ako sa 2nd studio kung saan nanduon si Paul at nagbabalita sa showbiz section.
"Hindi mapigilan ng mga fans na kiligin ng sikat na model, businesswoman at influencer na si Ms. Via Baculando matapos di umano'y makuhanan siya ng isang netizen na may kasamang lalaki. Narito at panuorin niyong lahat"
"CUT!" sigaw ni Direk. Anchor si Paul at reporter ako. Yung reporter na ang magtutuloy nun sa interview kay Ms. Via.
Mahinhin at medyo maarte na naglalakad si Paul paalis sa studio sakto namamg dumaan si Mindy sa harap ko at sa hindi malamang dahilan lumapit sa ako kaniya.
"Puwede ba? Don't follow me. You'll ruin my mood" biglang sabi niya sa akin. "If you'll ask how I got that video, Ella is my friend and just like me. She's happy to see you in pain. So she gave that to me. Stupid" tapos umalis na siya.
Ako naiwan naka-tayo mag-isa. Hindi ko alam anong ginawa ko kay Ella bakit ganuon siya pero bahala na siya. Iiwas na lang ako sa kanila.
"Anong mero'n bakit nakatayo ka diyan?" Napa-lingon ako kay Jevi. "Sinusundo ka na ng liwanag? Gag* sumunod ka na. Masamang pinaghihintay ang Diyos" sinamaan ko siya ng tingin.
"Pati Diyos dinadamay mo sa kalokohan mo" nagpeace-sign siya. Nang matapos ang trabaho dumeretso ako kay Aiken.
"Buti nandito ka" bungad niya. Mukang importante ang sasabihin niya. "Naisip ko lang" panimula niya. "Hindi ba sila ininspect nung guard bago nangyare yu--"
Umiling ako.
"Ang sabi ng ibang witness. May mga naka-motor, kotse ang pumarada mismo sa harap ng Rmall. Lahat sila naka-hood tapos lahat ng madaanan nila sa loob ng Rmall pinagbabaril nila. Siguro hindi mo nakita yun dahil nasa loob ka pa ng storage room. Nang makuntento sa pamamaril, naglagay sila ng bomba sa loob at pinasabog yun." Pagkukwento ko.
"Imposibleng hindi nila nahabol yung mga nakasakay sa motor at kotse" tumango ako.
"Natagpuan lahat ng bangkay nung gumawa ng m******e. Ibig-sabihin... Pinatay din sila. Dito sinisisi ang mga Ramos. Yung ang iba ang sinasabi mismong sila ang nagpasabog ng Rmall at pumatay ng mga tao para maging matunog ulit ang pangalan nila; yung iba naman sinasabing nilagay ng mga Ramos sa kamay nila ang batas kaya natagpuang patay na ang mga taong gumawa ng m******e"
"Hindi ko alam na ganuon pala ang kuwento nu'n" malungkot na sabi niya. "Nagsisisi akong nag-tago ako." Nilingon ko siya. "Natatakot kasi akong mag-salita kahit na alam kong walang silbi yung alam ko pero... Yung sa napapanuod ko kasi lahat ng witness pinapatay ng suspect... Hindi ako ganuon katapang, Roanne sorry" malungkot at may bahid na takot na sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay ko.
"Ayos lang yun."
"Sa tingin mo ba Roanne maayos na ang kaso? Magkakaroon na ba ng hustisya? Oh isasara ulit?" Yumuko ako.
"May iba nang humahawak sa kaso. Hindi na mga sundalo, hindi ko din alam. Sana meron" ngumiti si Aiken sakin.
"Magtiwala ka lang.... Lahat ng pagod may pahinga" ngumiti ako.
Lahat ng mga sinasabi niya ang lalalim pero alam mong may sense.
"Pero hindi lahat ng pagod... Puwede ipahinga" makahulugang sabi ko. Malungkot na ngumiti siya sa akin. Ilang minuto pa kaming nag-usap.
Hindi ako dumeretso sa bahay dumeretso ako sa simbahan. Umupo sa may pinaka-sulok, lumuhod, pumikit at umiyak.
Kanina ko pa gustong umiyak.
God, forgive me to what I did to myself, forgive me for making my family, friends felt so very worried, forgive me because I am to weak for your challenges, forgive me because I can't forgive Bage and Ella. Forgive me because I am secretly mad at you, forgive me if I am like this. Forgive me.
God, I want to fight, I will fight and I will win this with your help. I want to be happy, give me some rest, give me some rest, give me some rest. I want to be happy, I want to be happy. I want to be happy. Make me happy. Make me happy. Make me happy.
Paulit-ulit na sabi ko sa isip ko.
Then I faced him.
"Please?"